^

Metro

Buto ng tao nahukay sa gilid ng daan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadiskubre ang may 75 pirasong buto na pinaniniwalaang pag-aari lamang ng isang tao, na nakalagay sa sako at ibinaon, sa gilid ng kal­ye  sa panulukan ng President Quirino at Linao St., sa Ermita, Maynila, kamakalawa.

Sa ulat ni PO3 Ryan Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes nang ireport sa kanila ang nahukay na kalansay sa nabanggit na lugar.

Patuloy pang inaalam ng  MPD-Crime Laboratory kung babae o lalaki ang kasarian nito.

Sinabi ng construction worker na si Alexander Pascual, 40, ng  Ramon Fira Builders habang naghuhukay sila para ibaon ang konkretong poste ng Meralco ay tinamaan ng pala ang sako na may lamang matigas na bagay.

Nang busisiin ay nakita na mga buto, kabilang ang bungo at mga paa,  na nakasilid sa sako.

Ipinabatid ito kay  Chairman Felimon Tutica ng Barangay  743,  Zone 80, na nagreport naman sa pulisya.

Hindi pa binanggit sa ulat kung may ilang taon nang patay ang kalansay at kung biktima ito ng krimen.

 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with