^

Punto Mo

Krema (130)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAYA mo na ba Lex?’’ tanong ni Krema.

“Oo. Kaya ko na!’’

Mabilis na kinuha ni Krema ang apat na arnis na nakasandal sa dingding. Iniabot ang dalawa kay Lex.

“Kumpleto ka sa gamit, Krema.’’

“Oo. Itinuro ‘yan ni Mon. Sa kanya ang mga arnis na yan. Kamagong ang mga ‘yan. Hindi mababali kahit anong lakas ng hataw.’’

“Matagal ka bang nag-aral ng arnis?’’

“Sandali lang. Madali kung nalaman ang mga teknik.’’

Narinig nila na pababa na sa hagdan ang grupo. Tumatagaktak ang mga paa sa hagdan.

“Nariyan na sila! Aabangan natin diyan sa may pinto ang mga walanghiya! Pagpasok nila, upakan natin! Pagsinabi kong hataw, huwag nating tantanan. Huwag na nating papormahin.’’

“Sige Krema.’’

“Napag-aralan ko na kapag nasunud-sunod ang hataw sa kalaban, hindi na ito makakaporma at matataranta. Parang boksing din na dapat panay ang follow-up.’’

Humanga si Lex kay Krema. Mas marami nga itong alam kaysa kanya. Siya ay palo lang nang palo.

Hanggang sa marinig nilang nasa huling baytang na ang mga kalaban.

“Eto na sila Lex. Humanda ka na!’’

Pagsungaw ng ulo ng isa sa mga lalaki, sumi­gaw si Krema ng “hataw!”  At umulan ng palo at tinamaan ang lalaki. Nang sumulpot ang ikalawa, lalo pang umulan ng mga hataw. Hanggang sa mataranta sina Paulo at hindi malaman ang gagawin. Ni  hindi nabunot ang baril sapagkat nabali na ang mga kamay. Duguan kaagad sina Paulo. Pawang sa ulo at mukha ang tama.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with