^

Bansa

Affidavit ni Lascañas inilabas na

Butch M. Quejada, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ipinalabas na kahapon ang affidavit ni dating Senior Police Officer 3 Arthur Lascañas na isa sa kondisyon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson upang imbestigahan ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang mga sinasabi nitong pagpatay na kagagawan ng Davao death squad (DDS).

Sa kanyang 12-pahinang affidavit, sinabi ni Lascañas na napilitan lamang siyang itanggi noon ang mga naunang pahayag ni Edgar Matobato, ang unang umamin na kasapi ng DDS dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan at kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay sa Davao City.

Sinabi ni Lascañas na isa siya sa “major player” sa pagbuo ng DDS at kaharap siya nang ipag-utos ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga pagpatay at binibigyan sila ng reward na pera pagkatapos ng execution.

Sinabi pa ni Lascañas na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa at dapat siyang managot sa kanyang mga kasalanan sa tao, sa batas at sa Diyos.

Muli ring inulit ni Lascañas sa kanyang affidavit ang naunang pahayag sa isang press conference sa Senado kung saan idenetalye niya ang mga ginawang pagpatay.

Inihayag din ni Lascañas na dapat nag ituring na “solved” ang kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Jun Pala na ipinapatay umano ni Duterte sa halagang P3 milyon.

Sinabi pa ni Lascañas na hindi niya inaasahang patatawarin siya ng pamilya ng kanilang mga pinatay pero sana umano ay magkaroon ng katahimikan ang mga ito na malaman ang totoong nangyari sa kanilang mga kamag-anak.

Sinabi naman ng isang kongresista na dapat kasuhan at ipakulong si Lascañas na diumano’y binayaran para magkalat ng mga kasinungalingan laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni House Appropriations Committee Chair  at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na marami ang nagtataka at nagdududa sa paglutang ni Lascañas at pagbibigay ng statement nito na bumaliktad sa nauna niyang sinumpaan salaysay sa ginawang pagdinig noon sa Senado. Ito ay kaugnay ng pagbawi ni Lascañas sa nauna niyang testimonya sa Senado  na sangkot siya sa Davao Death Squad.

 

vuukle comment

ARTHUR LASCAñAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with