^

Probinsiya

4 high value target sa droga, timbog

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines - Kalaboso ang apat na hinihinalang tulak ng droga matapos itong masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Sto Cristo, Angeles City, Pampanga kamakailan.

Sa ulat na nakarating kay Chief Supt. Aaron Aquino PRO 3 director, kinilala ang mga suspek na sina Abel Pamintuan 52; Ace Musni 26, at isang alyas Rani Lebanese national  at Darwin Nolasco 40, alyas Wax.

Ayon sa ulat, unang naaresto sina Pamintuan at 2 kasama nito sa buy-bust operation sa bisinidad ng nabanggit na barangay alas-4:00 ng hapon kung saan nakumpiskahan ito ng 3 bricks ng marijuana na may bigat na 33 gramo at ibat-ibang klase ng drug paraphernalia at perang ginamit bilang marked money.

Samantala, sumunod na nasakote si Nolasco kung saan nakumpiskahan ng walong plastic sachet ng shabu.

Sinasabing nasa high value target ng pulisya ang apat na suspek.

Pormal na itong kinasuhan at kasalukuyang nakapiit sa angeles city police detention cell.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with