^

Bansa

3 probinsiya nasa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 probinsiya nasa state of calamity
Bangka muna ang gamit na transportasyon ng mga residente sa Bgy. San Agustin sa Candaba, Pampanga na isa sa probinsiyang naapektuhan ng super typhoon Lawin.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa state of calamity ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Benguet  gayundin ang Laoag City sa Ilocos Norte na matinding pinin­sala ni super typhoon Lawin sa Northen Luzon.

Una nang isinailalim sa signal number 5 ang Cagayan at Isabela.

Maraming mga poste ng kuryente, linya ng komunikasyon, mga puno at mga kabahayan ang winasak ng bagyo.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief supply sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Kinumpirma naman ni Capt. Lued Lincuna, Philippine Navy spokesman, na hinihintay pa nilang bumuti ang panahon bago maihatid ang 250 toneladang relief goods sa mga lalawigang sinalanta ni Lawin sa Northern at Central Luzon.

Sa kasalukuyan, nasa 12 katao ang nasawi pero pito pa lamang dito ang kinukumpirma ng NDRRMC habang ang lima pa ay isinasailalim pa sa validation dahil wala pang death certificate ng Department of Health (DOH).

Umaabot sa P26,162, 377.90 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region (CAR), nasa 13,297 pamilya ang naapektuhan ng bagyo habang 113 bahay ang napinsala sa CAR.

Samantala, 65 barangay ang lubog pa rin sa baha sa Pangasinan at Pampanga habang marami ring mga kalsada at tulay ang nawasak sa Regions 1, II, III at CAR na hindi pa rin madaanan dahil sa landslide at pagbaha.

Nawalan naman ng supply ng kuryente ang 60 lungsod at munisipalidad sa Regions 1, Calabarzon at CAR.

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with