PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mukha isinako

MANILA, Philippines - Nakasako ang mukha, may bakas ng tali sa leeg at may sinunog na bahagi ng kanang hita ang bangkay ng isang lalaki na itinapon sa kalye sa Tondo, Maynila ka­hapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 30-35 anyos, may taas na 5’5 hanggang 5’7, payat ang pangangatawan, nakasuot ng round neck na T-shirt, may green stripes ang shorts pants at mga tattoo na “Ompong at Habriel” at “Sigue-Sigue sputnik “ sa kanang hita.

Sa ulat ni Det. Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, da­kong alas-4:00 ng madaling araw nang madaanan ng isang di nagpakilalang moto­rista ang nakahandusay na bangkay sa panulukan ng Road 10 at Zaragosa St. sa harapan ng Pier 4, Tondo.

Inireport lamang sa pulisya ang natagpuang bangkay na nakabalot sa sako ang mukha at indikasyong sinalvage ito dahil sa paraan ng pagpatay. (Ludy Bermudo)

  • Follow Us: