PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mga palengke may tambak ng basura, ipasasara

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Ma­nila Mayor Alfredo S. Lim na ipasasara niya ang mga palengke na hindi tutugon sa ipinatutupad na paglilinis sa kani-kanilang lugar. Ito ang naging direktiba ng alkalde kay chief of staff Ric de Guz­man at department of public services chief Ret. Col. Carlos Baltazar.

Sinabi ni Lim na makipagpulong sa private market operators ang dalawa upang mapatu­pad ang regulasyon sa ba­surang kaakibat ng mga deliveries at hindi itatambak o iiwanan na lamang kung saan-saan.

Sakaling may mga kum­panyang sup­layer na lala­bag ay hindi na sila maari pang makapasok sa lung­sod. Dapat ay maging res­ponsable sila sa basura at dalhin ito sa dumping site ng Pier 18. “`Yung mga biya­hero, bakit sila papasok sa Maynila pagka­tapos iiwan nila ang basura nila? Additional burden pa sa atin `yan. Kung ganyan din lang hu­wag na lang natin silang pa­papasukin sa Maynila,” ani Lim. (Ludy Bermudo)

  • Follow Us: