PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Murder suspect nagtago ng 3 taon, arestado

MANILA, Philippines - Matapos ang halos tatlong taong pagtatago sa kasong murder, nalambat ng mga awtoridad ang isang suspek sa pagpatay sa isang family driver sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Junel Sulayao, 35, alyas Baby Sulayco at residente sa Brgy. Payatas sa lungsod.

Si Sulayao ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Luisito C. Cortez ng Regional Trial Court branch 85 sa lungsod na may petsang Sept 2006 sa kasong murder at walang piyansang nakalaan dito.

Sinasabing naging wanted si Sulayao makaraang pagtripan nitong patayin sa pamamagitan ng pamamaril gamit ang sumpak sa biktimang si Joseph Genigani, 31, driver ng Brgy. Payatas noong Sept 27, 2006. (Ricky Tulipat)

  • Follow Us: