^

Metro

Hubo't hubad na bangkay ng lola natagpuan sa parke

-
Hinihinalang pinagnakawan pa ng mga kawatan ang bangkay ng isang 60-anyos na lola na natagpuang hubo’t-hubad na nakahandusay sa isang parke, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Nakilala naman ang biktima buhat sa nakuhang identification card sa nahubad na damit na si Erlinda Adame, tubong Umingan, Pangasinan at residente ng 2100 Legarda St., Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, nadiskubre ang bangkay ni Adame dakong alas-5 ng umaga sa loob ng Forest Park sa may Arroceros St., Ermita, Maynila.

Isang tindera sa naturang parke ang nagsabi na nakita pa umano niya ang biktima kamakalawa ng gabi na naglalakad malapit sa LRT Arroceros station habang hawak ang dibdib hanggang sa tuluyang napahiga malapit sa bakod ng parke.

Nalaman na lamang niya na namatay ito nang muling bumalik sa puwesto kahapon ng umaga.

Hinihinala naman ng pulisya na pinaglaruan pa ng mga drug addict o magnanakaw ang bangkay ng biktima kaya ito hinubaran.

Wala namang nakitang marka sa naturang bangkay ang mga imbestigador na tanda na pinahirapan o sinaktan ang lola bago nasawi. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARROCEROS

ARROCEROS ST.

DANILO GARCIA

ERLINDA ADAME

ERMITA

FOREST PARK

HINIHINALA

HOMICIDE DIVISION

LEGARDA ST.

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with