^

PM Sports

Baby Tams, Bullpups agawan sa solo No.2

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nais na maka-una ng Far Eastern University Diliman at defending champions Nazareth School of National University para sa solo second place sa pagpapatuloy ng juniors division ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa San Juan Arena ngayong araw.

Makakaharap ng FEU-Diliman ang University of Sto. Tomas sa unang sultada sa alas-9:00 ng umaga na susundan ng labanang NU at University of the East sa dakong alas-11:00.

Kasalukuyang tabla sa 8-2 rekord, kapwa hangad ng Baby Tamaraws at Bullpups na masolo ang pangalawang puwesto para sa pangalawang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Kalaban ng Baby Tams sa pangunguna ni Xyrus Torres ang Tiger Cubs na galing sa panalo kontra sa University of the Philippines Integrated School noong nakaraang Sabado na lumalaban para sa playoff spot sa fourth place. Makakatapat naman ng Bullpups na galing sa talo laban sa Baby Tams ang Junior Warriors na tanggal na sa Final Four contention.

Mahalaga ang huling apat na laro ng eliminations para sa NU, lalo na ang kanilang huling laban kontra sa nangungunang Adamson High School na kailangan nilang maipanalo upang masungkit ang twice-to-beat sa Final Four.

Sa iba pang laro, makakasagupa ng Adamson ang La Salle-Zobel sa alauna ng hapon habang magbabanggaan naman ang UPIS at Ateneo sa huling laro sa ganap na alas-3:00 ng hapon.

Kapwa mahahalagang laban para sa Junior Archers at Junior Maroons ang kanilang laro ngayong araw na gaya ng Tiger Cubs ay naghahabol para sa playoff spot sa fourth place na kasalukuyang hawak ng Blue Eaglets.  - FML

 

vuukle comment

BABY TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with