^

Pang Movies

Drew at Iya wala nang pinag-aawayan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muling magsasama sa isang show ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, this time sa isang comedy game show titled People vs. the Stars. 

Para madaling maintindihan kung paano laruin ang new game show, nagpalaro sina Drew at Iya sa tatlong press people na ang kalaban nila ay ang audience na mga entertainment press na dumalo rin sa presscon. Sa actual game, ang mananalo ay tatanggap ng two hundred thousand pesos (P 200,000) pero kapag natalo sila, ang prize ay mapupunta sa televiewers na sasa­got sa People Question of the Week sa texting.

May mga title na pipiliin ang contestants na mind-boggling ang questions na kasama nito, kaya dapat ay isiping mabuti ang tamang sagot na may time limit.  Tatlo ang players at pipili sila ng leader kung sino ang dapat sumagot ng tanong.

Magsisimula nang mapanood ang People Vs. the Stars sa January 15 at 5:00 – 6:00pm with special guests, ang magkakaibigang Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio sa pilot episode. Manalo kaya sila?

Nakausap pa ang mag-asawang Drew at Iya after the presscon. 

Ayon kay Iya, ang bago nilang game show ay parang rest niya kung hindi siya gumaganap ng ‘mommy duties’ sa first child nilang si Primo. 

Si Drew naman, sa show, maipakikita raw nilang mag-asawa kung ano sila inside their house.

Ipapakita ba nila kung nag-aaway silang mag-asawa?

“No, wala kaming away, wala kaming tampuhan, siguro kung meron man, very minor lamang, at tahimik lamang kami” sagot ni Drew.  “Sigu­ro, kilala na namin ang isa’t isa dahil bago kami ikinasal two years ago, ten years na ang aming  relasyon.   Ako iyong confrontational, si Iya, tahimik lamang.

“Ayaw ko namang maging nagger, ayaw kong magbitiw ng salita na pagsisisihan ko lamang sa huli.  Nasabi ko nga na pwede ka palang magmahal ng isang tao na higit pa sa sarili mo.  Nagkakaintindihan kami ni Drew sa lahat ng bagay,” dagdag naman ni Iya.

Bukod sa comedy game show, si Drew ay napapanood din sa Aha! every Sunday morning sa GMA at sa Biyahe ni Drew sa GMA News TV every Friday.  Si Iya ang regular host ng Chika Minute sa 24 Oras araw-araw.

Bagong series ni Barbie kopya sa Meteor Garden?!

Nakita namin ang bonding ng mga lead star ng bagong primetime teleserye ng GMA 7, ang Meant To Be habang sabay-sabay silang nanood ng first and second episode ng romantic-comedy na magsisimula nang mapanood bukas, pagkatapos ng Alyas Robin Hood. 

Kahapon naman, nag-trending sa social media ang team-up ni Barbie Forteza sa apat niyang leading men, sina Ken Chan as the Filipino Chinese Yuan Lee, Jak Roberto bilang ang Pinoy na si Macoy dela Cruz, Ivan Dorschner as the American-Filipino Ethan Spencer-Hughes at Addy Raj as the Indian Jal Patel.

Kaya tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga fans ngayong hapon na mapanood sila live, in person sa mall show nila sa Robinson’s Novaliches in Quezon City.

Darating sina Barbi, Ken, Jak, Ivan, Addy at sina Sef Cadayona at Mika dela Cruz.

Napanood din namin ang first at second episodes ng Meant To Be at promise, magugustuhan ninyo na hindi ikinaila ni Direk LA Madredejos ay ins­pired ng Taiwanese romantic-drama na Meteor Garden but with a Filipino touch.

vuukle comment

DREW ARELLANO AT IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with