^

PSN Palaro

Edad ni Manny walang epekto sa pagsagupa sa mas batang si Jessie

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Edad ni Manny walang epekto sa pagsagupa sa mas batang si Jessie
Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao kasama ang kanilang mga kaibigan.
Abac Cordero

LOS ANGELES – Ma­rami ang nagsasabing ma­gi­ging rebulto lamang si Jessie Vargas sa loob ng ring, ngunit iba ang tingin ng pinakamalapit kay Manny Pacquiao.

“I want to find out if Manny’s age will be a factor in this fight,” wika ni Franklin Ga­cal, isang Filipino lawyer na dating kasa-kasama ni Pacquiao.

Ipagdiriwang ni Pacquiao (58-6-2, 38 knockouts) ang kanyang ika-38 ka­arawan sa Disyembre 17, habang tumuntong si Vargas (27-10-0, 10 knockouts) sa edad na 27-anyos noong Mayo 10.

Sampung taon ang di­perensya sa edad nina Pac­quiao at Vargas.

“I’m curious if his age will show here,” sabi ni Gacal, isa sa mga kaibigan ni Pacquiao na nakakasabay niya sa tanghalian sa Kabuki Res­taurant sa Sunset Blvd.

Alam ni Gacal na hindi mabilis gumalaw si Vargas kumpara kay Pacquiao ngunit may tsansang ma­nalo kung aabot sa 12 rounds ang kanilang laban.

“He’s the younger figh­ter that’s why,” wika ni Gacal kay Vargas.

“But we will see if he can take Manny’s punch. I don’t think he’s ever faced anyone who hits as hard as Manny,” dagdag pa nito.

Sa kanyang edad ay si Pacquiao na ang isa sa pi­nakamatandang luma­laban sa elite circle ng bo­xing.

Ngunit base sa ilang ulat ay walang epekto sa kanyang kilos ang edad niya.

Sa kanilang training ay sinabi ni chief trainer Freddie Roach na naramdaman niyang madali nang ma­pagod si Pacquiao sa loob ng ring.

Kaya binigyan ni Roach si Pacquiao ng dayoff.

Nagdesisyon din si Roach na limitahan ang bi­lang ng sparring rounds ni Pacquiao.

Hindi umabot sa 12 rounds ang sparring ni Pac­quiao sa Pilipinas.

vuukle comment

MANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with