PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 holdaper bulagta sa shootout

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang umano’y holdaper nang matiyempuhan na nanghoholdap sa isang negosyante, sa Road 10, Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga suspect na nakilalang sina Jojo Gardova at Niño Absillon, kapwa ng Parola, Tondo.

Naganap umano ang engkwentro dakong alas-10:35 ng gabi sa Road 10 panulukan ng Lakandula St., Tondo.

Nabatid na habang nagpapalit ng gulong ng kanyang sasakyan ang negosyanteng si Ronald Glen Gumapac, 35, binata, ng Asuncion St., Tondo, ay tinutukan siya ng baril at hinoldap ng dalawang suspect.

Namataan ng biktima ang pagdaan ng nagpapatrulyang grupo ng MPD-Station 2 at nagpasaklolo ito. Rumes­ponde naman at agad na sinita ng mga pulis ang mga suspect pero pinaputukan sila ng baril. Dahil dito napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad kung saan bumu­lagta ang dalawang suspect. Narekober ang dalawang kalibre 38 baril sa mga suspect.

  • Follow Us: