PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mason patay sa suntok ng kapwa mason

Isang 45-anyos na mason ang iniulat na nasawi matapos na mapuruhan ito ng suntok ng kapwa mason, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.


Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktima na nakilalang si Miguel Andres ng Barangay Bahay Toro ng nabanggit na lungsod.


Pinaghahanap naman ang suspect na nakilalang si Richard Diestora na kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.


Base sa isinagawang imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa nang bigla na lamang magtalo sa hindi pa malinaw na dahilan.


Sa gitna nang pagtatalo bigla na lamang sinuntok sa mukha ni Diestora si Andres at dahil sa malakas na pagkasuntok ay bumagsak ang biktima at tumama ang ulo sa semento. (Ulat ni Doris Franche)

  • Follow Us: