^

Metro

Pambubugbog ng konsehal iimbestigahan

-
Hiniling kahapon ng isang truck helper sa Konseho ng Maynila na imbestigahan at parusahan ang konsehal na bumugbog sa kanya makaraang itulak ang sasakyan nito upang maiiwas sa ipaparadang ten-wheeler truck sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Domingo Valoran, 22, stay-in sa isang garment factory bilang truck helper, hindi man lamang umano inalam ni Konsehal Edward Tan ang dahilan kung bakit itinulak nila ang sasakyang van bagkus ay agad siyang binugbog at pinagtatadyakan.

"Nagulat ako nang bigla na lang niya akong sugurin, sinipa saka pinagsusuntok, tapos galit na galit akong pinagmumura," ani Valoran.

Agad na nagreklamo si Valoran sa Western Police District (WPD), na nagrekomendang sampahan ng kasong slight physical injuries ang konsehal.

Gayunman, nagpilit pa rin si Valoran na ireklamo sa Konseho ang konsehal dahil sa ipinakita umano nitong pang-aabuso, kagaspangan ng ugali at pagmamaliit sa mga laborer na kagaya niya.

Aniya, "bilang public servant, hindi wasto ang inasal ni Tan, kung nagkamali ako, dapat isinumbong niya ako sa pulis o nagreklamo siya nang maayos, hindi yung agad niya akong sasaktan."

Si Tan ay isasalang sa imbestigasyon ng Rules and Ethics Committee na pinamumunuan ni Konsehal Marlon Lacson dahil napag-alaman na hindi lamang minsan nangyari ang pagmamalabis at pananakit ng konsehal sa maliliit na mamamayan.

Sa rekord ng WPD, si Tan ay nasangkot sa pambubugbog sa isang barangay chairman, dispatcher ng isang bus terminal at pagsugod sa Divisoria Mall at sapilitang pagbukas sa isang stall nito.

Si Tan ay nanunungkulang konsehal sa Distrito II ng Tondo at pinamumunuan ang Police, Peace and Order; Fire and Public Safety Committee sa Konseho ng Lungsod. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

DIVISORIA MALL

DOMINGO VALORAN

FIRE AND PUBLIC SAFETY COMMITTEE

KONSEHAL

KONSEHAL EDWARD TAN

KONSEHAL MARLON LACSON

KONSEHO

SI TAN

VALORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with