^

Metro

Rapist na ama hinatulang mabitay

-
Kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang inihatol kahapon ng Pasig City Regional Trial Court sa isang pintor matapos mapatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa sa sarili niyang 13-anyos na anak bago pinagkakitaan pa sa pamamagitan ng pambubugaw dito sa kanyang kaibigan sa Bicutan, Taguig noong nakalipas na taon.

Bukod dito, inutusan din ni Judge Librado Correa ng Branch 163 ang akusadong si Eduardo Flores, 40, ng M.L. Quezon st., Purok 3, Lower Bicutan, Taguig na magbayad sa kanyang biktima ng halagang P200,000 bilang damages.

Sa rekord ng korte, unang hinalay ng akusado ang biktima dakong alas-9 ng gabi noong Hulyo 5, 1999.

Dahil sa pananakot ng ama, sinarili na lamang ng biktima ang pangyayari. Muling naulit ang panghahalay sa kanya noong Agosto 8 dakong alas-11 ng gabi habang sabog umano sa droga si Flores.

Hindi pa nakuntento, pinagkaperahan pa ng akusado ang kanyang anak nang ibenta niya ito sa kanyang kaibigang si Willie Toledo noong Nobyembre 15, 1999. Muling ibinugaw ang biktima ng ama noong Nob. 28.

Dito na nagpasyang magsumbong sa barangay tanod ang biktima na nagresulta upang madakip si Flores. Ibinasura naman ng korte ang alibi ng akusado dahil sa positibong pagkilala sa kanya ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGOSTO

BICUTAN

BIKTIMA

DANILO GARCIA

EDUARDO FLORES

JUDGE LIBRADO CORREA

LOWER BICUTAN

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

TAGUIG

WILLIE TOLEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with