^

Metro

Simbahan pinasok na ng cellphone gang

-
Pati simbahan ay hindi na rin ligtas sa kamay ng mga sindikato matapos na isang estudyanteng anak ng isang pulis ang biniktima ng kilabot na "cellphone gang", kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ng Western Police District-Theft and Robbery Section (TRS) ang biktima na si Cyril Solano, anak na babae ng isang pulis na si PO3 Alex Solano, ng WPD-TRS at residente ng #222 P. Solano Int. Peñarubia st., Binondo, Maynila.

Ayon sa biktima, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi kamakalawa sa loob ng Sta. Cruz Church habang siya ay naglalakad at papalabas na ng naturang simbahan.

Sinabi ni Solano na sabay siyang nilapitan ng dalawang di-kilalang lalaki na armado ng patalim at pinagitnaan kasabay ng paghayag ng mga suspek ng holdap at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone na Nokia na nagkakahalaga ng P8,500 at pitakang naglalaman ng P300.

Sa salaysay ng biktima, nakita pa nito sa di-kalayuang upuan sa loob ng simbahan ang dalawang suspek na nakaluhod at nagdarasal din kaya hindi makapaniwala ang biktima at inaakalang nagbibiro lamang ang dalawang suspek nang siya ay tutukan ng patalim sa kanyang tagiliran.

Hindi naman nahalata ng iba pang tao na nasa loob ng simbahan ang nagaganap na holdap dahil sa banta ng mga suspek na papatayin ang biktima kapag siya ay sumigaw.

Matapos na makuha ang cellphone ay tumakas ang mga suspek na tila walang nangyari habang natulala na lamang ang biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALEX SOLANO

AYON

BIKTIMA

BINONDO

CRUZ CHURCH

CYRIL SOLANO

ELLEN FERNANDO

MAYNILA

SOLANO INT

WESTERN POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with