5 tiklo sa phone scam
October 17, 2000 | 12:00am
Lima katao na hinihinalang ilegal na nag-ooperate ng long distance call racket na bumibiktima ng telecommunications companies tulad ng PLDT ang naaresto ng mga ahente ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa isinagawang raid sa Quezon City.
Kinilala ni PNP Chief Director General Panfilo Lacson ang mga inarestong sina Noel Cabillan, 22; Jason Baladad, 22; Cecille Potato, 28; Zarah Beltran, 24, at Josette Romeo, 25. Ang mga suspek ay nahuli sa ginawang pagsalakay sa tanggapan ng Infobahn Communications, Inc. sa Fil-American bldg. kanto ng Aurora blvd. at La Salle st., Cubao, QC.
Ang raid ay bunsod ng reklamo ng PLDT matapos sulatan ni Rolando Alcantara, head ng Alternative Calling Pattern Detection Division ng PLDT na nagbulgar sa illegal na operasyon ng Infobahn kabilang na ang illegal na instilasyon ng kagamitan para sa global telecommunications na walang kaukulang lisensiya mula sa National Telecommunications Commission (NTC).
Sa bisa ng search warant ay nadakip ang mga ito at nakumpiska sa mga ito ang sari-saring telecom equipments na ginagamit sa pagnanakaw ng linya ng telepono at satellite frequency sa PLDT na siyang ginagamit sa overseas calls. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended