^

Bansa

Duterte sa PMA grads: Maging tapat sa Phl flag

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY, Philippines -   Hinimok kahapon ni Pangulong Duterte ang 167 bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na maging tapat lamang sila sa watawat ng Pilipinas at hindi sa kanino man.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa graduation rites ng PMA Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Ibang Bayan (SALAKNIB) Class of 2017 sa Fort Gregorio del Pilar, Baguio City.

“Do not pledge loyalty to a person, it’s always to the flag and constitution,” paalala ni Pangulong Du­terte sa mga bagong graduates.

Ipinaalala din ng Pa­ngulo na lulan lamang sila ng iisang barko at ito ay para paglingkuran ang sambayanang Filipino ng buong katapatan.

“You no longer carry the identity you once possessed, instead you are molded to become leaders, officers, men and women of character,” sabi ni Duterte.

Lumikha ng kasaysa­yan ang mga kababaihan na miyembro ng Salaknib Class of 2017 sa PMA matapos okupahin ang walong puwesto sa top 10 ng graduates.

“We made history in PMA. Eight-women occupied top 10,” wika pa ng Pangulo sa kanyang 10-minutong mensahe.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Pangulong Duterte kay Vice President Leni Rob­redo dahil muntik na niyang hindi nabati at sa kalagitnaan na ng talum­pati naalala ang kanyang presensya.

Bumawi naman ang Pangulo sa pagtawag kay Robredo na ‘beautiful lady’ at sinisi ang mga scriptwriters kung bakit hindi inilagay sa kanyang speech ang pagbati sa bise presidente.

Nagkitang muli sina Pangulong Duterte at VP Robredo sa PMA graduation rites kahapon subalit hindi sila nagkatabi sa upuan bagkus ay nasa pagitan nila si Defense Sec. Delfin Lorenzana. 

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with