^

Para Malibang

Bahay Pinuno ng mga Litrato, Lola Adik sa mga Apo

- Rick Olivares - Pang-masa

Grabe na ‘to! Wala na sigurong may magiging proud lola pa sa 66-anyos na si Carmen Baugh ng North Carolina sa U.S. Sa sobra kasing pagmamahal niya at proud sa mga apo, ay literal na pinuno niya ang kanyang sala ng mukha ng mga ito. Nagmukha na ngang shrine ang kanyang sala dahil mula wallpaper, kurtina, at punda ng unan ay naka-display ang litrato ng kanyang mga apo.

Nagkaideya si Carmen na ipa-print ang mukha ng mga apo nang siya’y lumipat sa Raleigh mula Charlotte. Naghanap siya ng iba’t ibang wallpaper at curtain samples para sa kanyang bagong bahay at naisipan niyang gumawa siya ng sarili niyang disenyo ng mga ito.

“My grandson and granddaughter are my pride and joy so why not decorate my home with their faces on?”

Kaya kaysa nga naman ipa-picture frame niya, ang mga litrato ng mga apo ang ipinagawa niya ng wallpaper kung saan may 30 iba’t ibang larawan ng kanyang mga bagets. Nagustuhan niya ang kinalabasan at hanggang sa tela para sa kurtina at punda ng unan ay ginawa na rin niya ito. Nagpagawa rin siya ng T-shirt para sa kanyang sarili.

vuukle comment

COMICS

FUTURE QUEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with