PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Setyembre 14, 2009

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) - Lalong mapapamahal sa iyo ang iyong irog dahil sa iyong ipinapakita sa kanya. Hihingi ka ng pinansiyal na tulong sa isang kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 22, 35 at dirty white

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) - Layuan mo muna ang kaibigan na nag- iimpluwensiya ng masama dahil tiyak na mapapasama ka at magsisisi sa darating na panahon. Ihanda ang damdamin sa isang masaya o malungkot na balita. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 33, 35 at violet. .

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) - Hindi ka kikibuin ng iyong iniirog. Huwag hayaan na lumala ito. Pag-ukulan siya ng panahon. Paglalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya upang lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 14, 22 at honey yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) - Huwag kang magpabigla-bigla sa pagsuong sa isang sitwasyon na mahihirapan kang makatakas at maaaring pagsisihan pa balang-araw. Magpatuloy sa pagsisikap dahil nasa landas ka ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 27, 29, 35, 37 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) - Balansehin ang oras sa mga kaibigan at minamahal. Maglaan pa ng dagdag na oras para matapos ang isang nasimulan. May kakaiba sa iyo sa araw na ito na mapapansin ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 38, 41 at mustard yellow.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) - Magigipit ka sa araw na ito. Maaaring hihingi ka ng tulong sa iyong kaibigan subalit pareho ang inyong kalagayan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 39, 42 at pearl white. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Maliliwanagan ka hinggil sa isang hindi pagkakaunawaan. Kung init ng ulo at pride ang iyong ipaiiral, tiyak na ang magandang relasyon ay masisira. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) - Selos ang maghahari sa iyong isipan. Magkakaroon ka ng paghihinala sa iyong minamahal. Pag-aralang mabuti kung totoo ang kutob bago gumawa ng hakbang. Ebidensiya ang kailangan upang maging solido ang gagawing hakbang. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 32, 34 at mandarin red. 

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Bigyang-pansin ang kalusugan. Magandang araw ito para sa paglilibang kasama ang pamilya o minamahal. May ilang magpapayo na magbibigay sa iyo ng saya at pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang   5,15,27,36 at orange

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) - Huwag itago kung ano ang nararamdaman. Maging totoo sa kapwa lalo na sa sarili. Walang masama kung ipagtatapat ang gusto kung mabuti ang hangarin. Hindi makikita ang resulta sa gustong mangyari kung hindi gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 21, 25 at honey yellow.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) - Kung nais mong mapabuti ang iyong relasyon sa mga minamahal sa buhay, igalang mo lagi ang kanilang desisyon at karapatan. Magbigay ng opinyon kung hinihingi lamang nila. Mag-ingat sa taong pinagkakatiwalaan, may gagawin siyang paghuhudas. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 33, 42 at green.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Bigyang halaga na maisaayos ang mga suliraning pantahanan. Ang pagbabago ng masamang ugali ay malaking tulong sa ikauunlad ng kabuhayan. Ang positibong pakikipag-usap ay nagpapakita ng tunay na saloobin at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 27, 39 at neon green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: