^

Kutob

Enero 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi magustuhan ang nasa sa iyo, hanapan ng paraan para makamit agad. Huwag manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 34, 41 at pink.

AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)

Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Malamang may manghihingi ng iyong payo tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day  ay 9, 17, 24, 38 at brown. PISCES
(Pebrero 19- Marso 20)

Huwag kaagad sumuko. Ma-ging mapagtimpi sa pagharap sa pagsubok. Alalahanin hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Kadalasan mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at jade green.

ARIES
(Marso 21- Abril 19)

Magtiwala sa anumang mang-yayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Mara-ming daan ang landas ng tagumpay subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong puntahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 33 at maroon.

TAURUS
(Abril 20-Mayo 20)

Huwag magpokus nang sobra sa isang  bagay dahil mababalewala ang iba.
Huwag hintaying mawala nang tuluyan ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagaan nito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 40 at green.

GEMINI
(Mayo 21-Hunyo 21)

Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro para matutunan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 27, 32 at violet.

CANCER
(Hunyo 22-Hulyo 22)

Bigyan pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong para matupad ang pangarap. Lahat ng gawain ngayon ay  nakatuon para makamit ang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay na makaligtaan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 28, 40 at indigo.

LEO
(Hulyo 23- Agosto 22)

Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ng bulkang sasabog. Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo sa pananaw dahil magugulat ka kung paano ito makakatulong sa pagbago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at red.

VIRGO
(Agosto 23-Setyembre 23)

Isipin na may kakayahan kang pamunuan ang lahat at maisasaayos ang mga bagay. Sa kabila nang kalituhan, mapagtatantong nasa sariling kamay ang pagkontrol sa mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 42 at blue.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Mahalaga ang pagpaplano at isipin ang gawain nang makaiwas na masayang ang oportunidad. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at purple.

SCORPIO
(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Hindi man lubusang maunawaan, mahalaga na kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 23, 41 at yellow.

SAGITTARIUS
(Nobyembre 23-Disyembre 21)

Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 33 at orange.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with