^

Kutob

Enero 10, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

Kung may nawalang gamit sa tahanan, walang ibang kumuha kundi ang kasama. Kung alahas o pera ang nawala, malabo nang maibalik. Kapag umalis ng bahay, huwag magsuot ng mahalagang alahas o magdala ng malaking pera. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 at dark blue.

AQUARIUS
(Enero 20 - Pebrero 18)

Nasa tamang landas ang kaunlaran kaya lang ang paminsan-minsang negatibong pag-iisip ay tinik na magpapabagal sa dating ng grasya. Kung ano ang binabalak gawin, sugod at simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

PISCES
(Pebrero 19 - Marso 20)

Labanan ang maging masu-ngit at magagalitin dahil hahadlangan ang lumalandas na suwerte. Kung magiging mahinahon, kahit may suli-ranin ang tamang solusyon ay madaling mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at oak brown.

ARIES
(Marso 21 - Abril 19)

Walang problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam subalit bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan dahil mahina ang resistensiya. Iwasan ang pag-abuso sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 44 at light yellow.

(TAURUS
Abril 20 - Mayo 20)

Sipag at matinong pag-iisip ang puhunan para umunlad. Ang madalas na pagwawalang bahala ay panahon nang baguhin. Kung makakarinig ng salitang laban sa sarili, mas mabuti na huwag mag-react para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 24, 38 at purple.

GEMINI
(Mayo 21 -Hunyo 21)

Ngayon makakatagpo ang soulmate o twinflame. Kung sakaling muling tumibok ang puso, siya na nga ang perfect partner. Kung may manliligaw, gawan ng paraan na hindi makawala dahil siya na ang prince charming mo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 34 at peach.

CANCER
(Hunyo 22 - Hulyo 22)

Walang sigurado tungkol sa negosyo. Akyat-baba ang benta subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil makakabawi. Iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget nang mapagkasya ang mga kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 32, 43 at red.

LEO
(Hulyo 23 - Agosto 22)

Ang balak na pagbabiyahe ay ipagpaliban dahil malapit ka sa aksidente ngayon.
Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay, mag-ingat  at iwasan ang maglakad
kung walang mahalagang sadya. Lucky numbers at color for the day ay `14, 19, 28, 36 at peral white.

VIRGO
(Agosto 23- Setyembre 23)

Kung may hinihintay, dara-ting maliban ang tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi sa gagawing desisyon, pag-isipan at pag-aralan nang mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

May oportunidad na dara-ting  kaya tiyak laging bukas ang linya ng komunikasyon para hindi makaalpas. Kung may pinag-uusapang transaksiyon sa nakaraan, ngayon mabubuo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.

SCORPIO
(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Abala sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin ang kapaguran sa gabi subalit kaligayahan ang madarama dahil sa dami nang matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 38, 40 at fushia.

SAGITTARIUS
(Nobyemre 23 -Disyembre 21)

Kung gipit sa pinansiyal,  madaling matutugunan ng kamag-anak o kaibigan. Kung sagana, ikaw ang makapagbibigay ng tulong. May dahilan para makapagpayo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at beige.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with