PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 31, 2017

Pagtitibay: Ligtas, mapayapa at maligayang pagsalubong sa bagong taon para sa lahat!

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil kapahamakan ang aabutin. Kung puyat o pagod, magpahinga upang manumbalaik ang kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 29, 38 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo o minamahal. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Tuklasin muna ang puno't dulo bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 41 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon ay walang trabaho. Makakahanap ka kung magtitiyaga at magtitiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 13, 20, 27, 31 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malalaman ang nagawa. Ang tao ay nagkakamali, pero ang mahalaga ay marunong tumanggap ng pagkakamali, magsisi at nakahandang magbago. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28, 42 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag mahiyang magtanong kung hindi alam. Sa pagdunung-dunungan, kapahamakan ang resulta. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 27, 34 at gray.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magta­tagumpay. Walang dapat ipangamba kung malinis ang intesiyon. Kung nasa isip na tama ang gagawin, ituloy. Naaayon ang makipagsosyalan  sa mga kabarkada. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 42 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit kaila­ngan siyang masaktan, gawin para mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 118, 25, 36 at silver.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan ng pera para makabili ng gamit. Higit sa inaasahan, hinihintay lamang nilang magsabi at nakahanda silang ibigay ang tulong. Maaasahan ang suporta ng magulang o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 39, 44 at carnation pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bumagsak man sa pagsusulit, huwag panghinaan ng loob. Sa halip, isipin na ang nangyari ay hamon para lalong magsikap. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 32, 41 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Posibleng humantong ito sa hiwalayan kung kapwa hindi magbababa ng pride. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 27, 37 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre. 22) – Pinsan o kaibigan ang makakatulong para maayos ang problema. Makinig at sundin ang payo. Kung selos ang pinagmulan nang hindi pagkakaunawaan, maaaring humantong sa matagal na hindi pagkikibuan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 23, 31 at mint green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may problema sa relasyon posibleng hahantong sa paghihiwalay ng landas, kung hindi aayusin ngayon. Iwasan ang alitan. Pag-aralan ang gagawing desisyon bago sumang-ayon. Lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 39, 43 at brown.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: