PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 19, 2017

Affirmation: Nagpapagaling ang Maykapal, pinagaling na Niya ang lahat ng aray at sakit sa katawan ko.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ipagliban ang pagbabagong gagawin sa bahay, opisina o pinapasukan. Huwag pasukin ang isang bagay kung hindi nakakasiguro. Mag-ingat sa matatalas at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 34, 41 at red orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa hanap-buhay o negosyo at pag-ibig, masuwerte ka ngayon. Magiging magaan ang hanap-buhay subalit dapat paghandaan ang bukas. Naaayon ang makipag-date, walang magiging problema at magiging maaliwalas at masaya sa larangan ng pag-ibig at hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 39, 42 at garnet.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang pagbabagong magaganap sa trabaho o sa tahanan ay may ikakatuwa ng pamilya. May hindi inaasahang tulong mula sa mga kaibigan, at mga kamag-anak. Simulan ang magsariling-sikap. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 38, 43 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung ano ang plano, tiyakin na maggagawa sa lalong madaling panahon. Ginto ang panahon kaya huwag sayangin. Huwag mag-aksaya ng oras at baka ang suwerte ay lumayo. Bigyang pansin ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 25, 39 at light green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May kaibigan na walang pakialam at kaibigan na dadamayan ka sa hirap at ginhawa. Kilatisin ang pagpili ng kaibigan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 36 at tangerine.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung makikipagsapalaran, ngayon ang tamang panahon. Kung sa pag-ibig, malamang matamo ang magandang resulta. Kung sa negosyo, ito ang unang hakbang sa pag-angat at paglago. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 32, 39 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Malamang isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag mangutang o magpautang. Magiging kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Matutulungan ang lahat lalo na ang mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 39 at yellow gold.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) –Hindi inaasahang makakadalo sa isang pagtitipon. Malamang makakakilala nang makapagpapatibok ng puso at malamang magiging katuwang mo siya habang-buhay. May pagkakataon na makatagpo ang soul-mate o twin-flame. May mangyayari na hindi akalain o hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 25, 34, 40 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Naghihintay ang magandang kapalaran sa personal na hangarin kung kikilos kaagad. Ang suliranin sa opisina o tahanan ay mabibigyan ng tamang lunas kung aaksiyunan kaagad. Huwag aksayahin ang panahon nang makita ang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 24, 33, 40, 44 at peach.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mag-ingat dahil may kahinaan ang katawan mula baywang hanggang talampakan. Iwasan na magbuhat ng mabigat. Kung may lakad, iwasan ang magsuot ng mataas na takong para hindi matapilok. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 27, 37 at peach.

LIBRA (Setyembee 24-Oktubre 23) – Kagipitan at pangangailangan sa pera ang problema dahil sa gastusin ng mga nag-aaral. Anuman ang suliranin may katapat na solusyon. Huwag mabahala dahil may solusyon kung sadyang hahanapin. Sipag at tiyaga ang dapat para matamo ang ginhawa at tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 27, 40 at citrine yellow.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May kaibigan na handang magmalasakit o maghandog ng tulong kung kakailanganin. Ang minamahal ay maaasahan sa lahat ng bagay, magiging malambing din siya sa’yo. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 28, 33, 39 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: