^

Kutob

Disyembre 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Dadaloy ang mara­ming pagpapala sa buong araw ko. Kasama na rito ang makasabay kumain ang crush ko. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung kaya mong makontrol ang iyong emosyon, magagawa mong harapin ang hamon ng buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 19, 33, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Balansehin nang maayos ang lahat nang may relasyon sa iyong buhay. Pag-ibig, pamilya, trabaho, kaibigan, kasamahan at ano pa man. Ang pagbibigay ng malaking atensyon at sobrang oras sa isang bagay ay magdudulot ng hinanakit sa  iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 33, 42 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – May naka-ambang pagsubok sa pamilya na kung hindi hahanapan kaagad ng solusyon ay lalala. Maliit ang problema kung ituring subalit dapat alalahanin na ang pinagmumulan ng malaking sunog ay munting apoy. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 19, 37 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mas maganda ang resulta ng trabaho kung pinagtulungan ng lahat kaysa umastang boss o sarilihin ang gawa. Huwag ipagkait na ibahagi ang nalalaman sa iyong kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Taglay mo ang kalakasan ng ESP na malaking tulong sa pagdedesisyon ng maselang bagay. Asahan na ang kutob ay totoo o magkakatotoo. Lucky numbers  at color for the day ay 3, 15, 35, 42 at ocean blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Manalangin na ang matutuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Ihanda ang sarili sa posibleng hinanakit. Tandaan lang na lahat ng suliranin ay may katapat na lunas. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 13, 31 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at aminin kung nasumbatan. Kung ginawan ka ng mali, malaki ang tsansang ito ay pananadya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 26, 37 at blue sapphire.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag mangutang o magpautang dahil tiyak na hindi ka mababayaran sa takdang panahon ng pangako. Huwag magpahiram ng gamit dahil tiyak mawawala at hindi maisasauli. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 37, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang pagkanerbiyoso ay dahil sa “stress” at pagod. Kung palainom ng kape, panahon na para mag-tsaa o “herbal tea” ang inumin. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 29, 39 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Disiplina sa sarili ang dapat mong harapin at gawin. Kung may mga mahahalagang lakad o “schedules,” pag-aralan, repasuhin at magaan na matulog. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 26, 39 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makabago ang panahon at halos lahat ay modern na. Baguhin ang pag-aayos sa sarili at magtataka ka na mara­ming hahanga sa’yo magkakaroon ka ng maraming tagahanga at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 38 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Nang dahil sa iyong emosyon magiging malayo ang kalooban ng lahat. Nasa sarili ang paraan para supilin ito. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at beige.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with