^

Kutob

Nobyembre 24, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang maging pagbabago sa kalagayan ko, pinanghahawakan ko ang katapatan sa bawat pangako ng Maykapal: Ang plano niya na maging masagana ako, hindi masaktan, magkaroon ng pag-asa at kinabukasan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi inaasahan na makakatagpo ang mga dating kaibigan o kaklase. Maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kwentuhan. Walang dapat pang hinayangan sa magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 37, 45 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Walang  dahilan na magkunwaring masaya kung taliwas naman sa tunay na nararamdaman. Umaktong natural dahil ang pinakamahirap sa lahat ay niloloko mismo ang sarili. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Hindi maiiwasan ang kompetensiya sa kahit anong larangan pero huwag itong bigyan ng sobrang pansin. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagmagalingan sa iba. Sariling sikap ang dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa sa nakaatang na responsibilidad. Huwag matakot na mabigo dahil ito ang daan para matuto. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung ang kasama ay isang Pisces magiging matamlay at malungkutin. Kung isang Saguittarius ang makakasama, hindi magkakaunawaan at magkakatampuhan. Kung Cancer o Capricorn ang makakasama, magiging aktibo sa pagkilos at masayahin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at sky blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nang dahil sa kapabayaan, ang matagal nang suliranin ng pamilya ay mauungkat at pagsisimulan ng sumbatan. Posibleng manumbalik ang harmoniya kung magiging mahinahon sa pagpapaliwanag ang bawat panig. Napapanahon para humingi ng tawad kung inaakalang nagkasala at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at neon green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Magiging magaan ang lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak na maisasakatuparan. Magiging magaan ang trabaho, pakikipagkapwa tao at pasok ng pera kung may negosyo. Iwasan ang maglakbay, maglasing, magsugal, makipag-date at mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may tipanan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay may pagkaalintana sa pagdating. Anumang transakyon na gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Hindi inaayunan ang lumagda sa anumang mahalagang papeles o kontrata. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan ang balik; subalit kung gumawa ng kasamaan, kasamaan din ang daranasin. Napapanahon upang maibsan ang kasamaang nagawa sa pamagitan nang pagsisisi at buong pusong pananalangin. Ang magsimba ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Palipasin ang maririnig na salitang makakapikon o makakaasar sa mga kasamahan dahil inggit ang nag-uudyok. Huwag patulan ang mga salitang masakit sa tainga upang makaiwas sa gulo o makasakit ng damdamin ng kapwa. Tawanan ang suliranin at tiyak babawi ng dobleng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at dirty white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sasalubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang umaga. Subalit matatakpan nang makapal at madilim na ulap sa dapit hapon dahil may dahilan para magalit. Iwasan ang mga kaibigang tsismosa upang hindi makapaghatid ng pagod sa buong maghapon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Matatanggap mo ang mga benepisyo at masayang pakiramdam mula sa mga barkada. Ito ang tamang araw na may magpapahayag ng pagmamahal. Mas magiging malakas ang attraction ng iba sa’yo kung kulay orange ang suot na damit. Lucky numbers ang 6, 9, 18, 33, 47 at navy blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with