PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 6, 2017

Pagtitibay: Masaya at masagana ang career ko. Walang makakapigil sa aking pag-asenso.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may balak na magbiyahe ng malapit o malayo, walang magiging sagabal. Maunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay o katrabaho. Mahahanapan ng solusyon ang problema para manumbalik ang harmoniya. Magiging stable ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magkakaroon ng maraming activities. Pagtuunan ng dobleng pag-ingat ang anumang gagawin. Tapusin ang sinimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipagsosyalan lalo na ang affairs tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maisasa-ayos ang suliranin tungkol sa pinansyal. Hahangaan ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o may kahusayan sa pag-aayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharaping pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May masayang pangyayari na maaaring maganap. Magiging pinakamasaya sa piling o pakikisama sa isang Capricorn. Makakasagupa ng kagipitan sa pera kung hindi mag-iingat sa pag-gastos. Hindi maiiwasan ang magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan ng Aries o Pisces. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung walang asawa, nakapokus ang panahon at atensyon sa pagpaplano para makapag-asawa o sa pagpapakasal. Kung may asawa, nakapokus ang pansin o atensyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo o pamilya. May hatid ng kakaibang balita ang may inisyal na A o W. Maaaring magkaroon nang atraksyon sa isang Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Magpokus sa pag-iisip kung papaanong mapapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Gemini, Capricorn o kapwa Aries. Magpakahinahon at huwag magpabigla-bigla kung may bagay na may kinalaman sa mag-asawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kalituhan ang hatid ng kapwa Taurus na maaaring pagsimulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang papel ng Sagittarius upang maipokus ang atensyon sa paga-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Malaki ang magiging kontribusyon na ang pangalan ay nagsisimula sa letter C, L o N. Lucky numbers at color for the day ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Malaki ang magi­ging bahagi ng Scorpio na may kinalaman sa pangarap, edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap sa pagsubok na kakailanganin na timbangin ang mga pangyayari. May magandang hatid ang Aries at magbibigay ng aspetong legal ang kapwa Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi mapahamak. Pag-ingatan ang mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho. Tamang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at blue.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Malaki ang magiging bahagi ng isang Gemini o Aquarius na maaaring ikaligaya o ikalungkot. Magpokus sa pagi-invest, maging sa trabaho o may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbistasyon dahil maaaring dito makikilala ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang makasagupa ang isang Cancer o Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang pangyayari. Mapaglalaanan ng panahon ang tungkol sa mga binabalak o ambisyon. Makakasagupa ng maraming katanungan kaya nakasentro sa kaligayahan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 47 at corn yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ingatan ang kalusugan. Magiging maaliwalas sa aspeto ng pag-ibig. Kailangan na magplano tungkol sa kalagayang pinansyal. Magplano at hanapin ang paaran upang magkaroon ng ekstrang mapagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: