PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 30, 2017

Pagtitibay: Magiging maayos ang lahat, kaya relax ka lang.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Iwasan ang makukulit at mapagbirong mga tao dahil iiral ang kasamaan ng ugali na handang makipag-away sa mangungulit o magbibiro. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit dapat ibigay sa tamang nangangailangan nang maiwasan ang malinlang. Kasiglahan ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang sinimulang trabaho. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang sinumang nagbebenta o nanghihingi ng tulong ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madali kang lapitan ng kahit sino. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Anumang gawain, desisyon ay dapat pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang paglagda sa anumang mahahalagang papeles o kontrata. Huwag pilitin ang sarili lalo na kung kapahamakan ang kalalabasan. Ipagpaliban ang anumang binabalak sa pagbago ng kaayusan ng pamumuhay sa opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging masigla ang dulot ng pag-ibig. Naaayon ang pakikipag-date o pakikipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan at gaan ng damdamin at pakiramdam. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red rose.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan na mag-init ang ulo upang malayo sa hindi pagkakaunawan o basag-ulo. Ang bawat taong makakausap ay nangangaila­ngan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Maaaring makatagpo ng sasalungat sa gusto o mungkahi ito ang mga bad news mo today. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang desisyong gagawin ay may bungang pipitasin, keep up the good work. Malakas ang angking ESP kaya anuman ang kutob ay dapat isagawa. Huwag basta magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala at hindi mababayaran. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang pagmumukmok  at pag-iisip na walang ginagawa ay walang mapapala, kaya kilos. Ang paghahangad sa kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at lalakipan ng sipag at tiyaga. Tiyakin na sa matuwid na paraan nanggagaling ang araw-araw na kinakain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at indigo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung itutuloy ang paglalakbay may maikling pakinabangan sa sarili o sa trabaho, ito ang magandang balita. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan ngayon. Iwasan ang pamamasyal. Iwasan ang makipag-date at tiyak na magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 a yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon  sa sosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala na maaaring magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at shocking pink.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Habang may buhay ay may pag-asa, ito ang dapat tandaan. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Ang aanihin nang katamaran ay pagkapulubi. Dapat simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at ruby red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang kabutihang magagawa ay may gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, kapatid o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong tungkol sa pag-aaral o pag-ibig. Magiging magaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: