^

Kutob

Malayo ang agwat

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay nasa malusog kayong kalagayan sa pagtanggap mo nitong liham ko, Dr. Love. Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Tawagin n’yo na lamang akong Brenda, 47-anyos at nagtatrabaho sa isang pabrika ng tsitsirya.

Apat na taon na po akong balo. May nanligaw sa akin na ang edad ay 30-anyos lang. Labing-anim na taon ang agwat namin sa edad. Kasamahan ko rin po siya sa pabrika kaya lagi kaming nakakantiyawan ng mga kamanggagawa namin. Sabi nila, para raw kaming mag-ina.

 Puwede ko nang maging anak siya sa layo ng age gap namin. Sinabi ko na ito sa kanya pero okey lang daw dahil mahal niya ako.

Ang nanay niya ay 51-anyos lang, matanda lang sa akin ng tatlong taon. Nagkita na kami ng nanay niya at wala naman daw siyang tutol basta masaya ang anak niya. Bukod diyan, ang panganay ko ay 30-anyos na rin dahil 16-anyos lang ako nang mag-asawa.

Nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Pero hindi ko pa siya matanggap dahil baka tumutol ang anak ko.

Dapat ba akong makipagrelasyon sa isang higit na nakababata?

Brenda

 

Dear Brenda,

Kung ang lalaki ang mas matanda sa babae, hindi masyadong napupuna. Pero kapag ang babae ay malaki ang agwat sa lalaki, marami ang tumataas ng kilay.

Pero, so what? Kung nagmamahalan kayo nang totoo, hindi ninyo ito papansinin. Kung binata siya at tapat ang pag-ibig sa iyo ay walang hadlang para kayo ay magmahalan. Puwede kang kantiyawan na pumatol sa lalaking para mo nang anak.

Kung matatanggap mo ang ganyang mga patutsada, okey lang. Ituloy mo dahil pagda­ting sa pag-ibig, hindi sagabal ang edad.

Puwede ngang tumutol ang anak mo pero hindi ka naman puwedeng pigilan sa desisyon mo. Dahil wala naman talagang masama sa gagawin mo, lalo pa’t magpapakasal kayo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with