^

Kutob

Setyembre 27, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang imposible sa magpakailan man ay posibleng Manlilikha ng lahat ng bagay sa mundo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May masayang pangyayaring magaganap. Iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Ang mga kasama sa gawain ay maaasahan. Maging alerto sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 18, 21 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang panahon ay umaayon sa mga binabalak. Ipagpaliban ang isang mahalagang hakbang sa negosyo. Matatagpuan ang sarili sa harap ng alanganing situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 26, 38 at navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magandang kapalaran ang naghihintay sa gawaing pagliliwaliw. Madaling malulunasan ang problema na kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho sa paraang mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 32, 35 at honey yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Ang pagmamadali sa pagpapasya ay malapit sa panganib. Huwag magtiwala sa mga taong makakatagpo o bagong kakilala. Iwasan ang makipagtalo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 22, 28 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Bigyan ng masusing pag-aaral ang mga bagay na gumugulo sa isipan. Kung hindi nakakasiguro sa gagawin magtanong at liwanagin. Ang personal na hangarin o binabalak ay may katuparan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 32, 45 at indigo.  

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Tuparin ang pangako upang mapanatili ang dignidad. Anumang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa sa umaga. Magiging mahalaga ang makinig sa payo ng mga magulang o nakakatanda. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 24, 40 at avocado green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang matalik na kaibigan ang maghahatid ng magandang balita. Ang pagiging maunawain sa harap ng hindi magandang pangyayari ay magbibigay ng respeto. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag kaagad-agad magdesisyon kung mahalagang bagay ang nakataya. Ang proposisyon ng ilang kaibigan ay dapat suriing mabuti bago paunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 29, 42 at cannary yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Iwasan ang maging madaldal at baka makasugat ng damdamin ng iba. Magiging abala sa paggawa sa loob ng tahanan, opisina o pinapasukan. Ang magtiyaga at magpasensiya ay mahalaga sa pambihirang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 33, 43 at purple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May pagkakataong makagawa ng bagay na kapaki-pakinabang sa pamilya. Hindi magiging makatuwiran sa pa­ningin ng nakararami ang magwala o lumikha ng eskandalo. Ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Ang pagtitiwala ay kakambal ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 1, 34 at wine red.  

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May kahirapang pakibagayan ang mahal sa buhay o kasamahan sa tahanan. Kaila­ngan ng pang-unawa at mahabang pasen­siya sa minamahal o kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 23, 33 at lavender.  

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Angkop ang pagpapayaman nang katalinuhan at karanasan. Ang mga gintong-aral sa buhay ay magagamit ngayon. Madaling malulunasan ang dalang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 23, 32 at peach.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with