^

Kutob

Setyembre 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anuman ang naghihintay sa akin sa buong araw, nananalig akong may agarang tulong mula sa aking Manlilikha.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Simulan ang anumang binabalak. Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Ang mga hinanakit sa trabaho ay mapapawi ngayon. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 26, 35 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Handa mong harapin ang anuman ngayong araw. Magiging masayahin ka at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita mo dahil madali kang lapitan ng kahit na sino. Kaya lamang mag-ingat ka at huwag gaanong magtiwala. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 25, 41 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22)Huwag malito sa anumang payong maririnig at pag-aralang mabuti ang mga detalye bago magdesisyon. Malamang may kaibigan na manghihiram ng pera pero matatagalan bago ito mabayaran kaya dapat tanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 23, 34, 42 at light blue.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag magdalawang-isip na ipagpaliban sa ibang araw ang balak na paglalakbay. At dapat tanggihan ang anumang uri ng paanyaya. Iwasan ang anumang sosyalan. Magrelaks para makalikom ng enerhiya. Lucky number s at color for the day ay 8, 16, 20, 26 at aquamarine.  

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Iwasan mo ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan­ at kantiyawan dahil magbibigay ito ng kapahama­kan. Magiging makitid ang isip at madaling magalit. Ang pagre-relax o pamamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 35 at emerald green.  

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Katamtaman lamang ngayon ang pasok ng pera kaya mahalagang limitahan ang paggastos para hindi makaranas ng kakapusan. May pagtatampo sa iyo ang kapareha, kaya resulbahin ito bago mauwi sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 31, 37 at ruby red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kulang pa ang iyong kaalaman sa trabaho para magmalaki sa nagkaloob nito sa iyo. Lumingon ka sa iyong pinangga­lingan. Huwag mainip at darating din ang talagang para sa iyo. Magdahan-dahan sa pagbitiw ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 10, 16, 24, 37 at light orange.  

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig mangyari. May magandang balita na matatanggap. Magtatagumpay sa nilalakad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 27, 40 at lavender.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Naaayon ang panahon upang maiwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa gawa. Ang tunay na kaibigan ay sa kagipi­tan nakikilala. Magiging makulay ang pag-ibig sa dakong gabi. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 24, 36 at white.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Malamang may mag-aalok ng trabaho ngunit dapat pag-isipang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot sa iyo at sa pamilya. Lucky number at color for the day ay 11, 25, 33, 41 at ivory white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig mangyari. Dag­dagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 33, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maraming gustong pagbabago ngunit mahihirapang maipaliwanag ang panig. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Hina­hon ang kailangan, ito ang pairalin nang walang masaktang damdamin. Naaayon ang mag-relax. Lucky numbers at color for the  day ay 4, 6, 31, 40 at peach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with