^

Kutob

Setyembre 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tinatanggap ko ang masaganang pagpapala na nakalaan sa akin, sa aking buong pamilya at sa aking bansa.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) – Maaaring maitanggi ang pagtulong sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang anumang hakbang na may kinalaman sa salapi. Huwag mangutang  o magpautang ng pera dahil hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal na dapat bigyang halaga. Kailangan ang pag-iingat at pagtitipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliraning kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Maaasahan ngayon ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) – Hindi dapat magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang sobrang pagseselos ang siyang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at sun yellow.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Ang komplikasyon tungkol sa salapi sa mga nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing situwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa ‘di pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) – Ang payong pinansyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralang mabuti. May pagkakataon na ang sosyal na aktibidad ay makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Kailan man ang pagmamadali sa pagpapasya ay maglalagay ng sarili sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni para sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Matatapos ang gawaing nasimulan nang walang hadlang at abala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at jade green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) – Ang magsabi ng tapat ay kung ang nasa kalooban ay nagpapatunay ng katapatan. Maaaring may matinding pagsubok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at honey yellow.

GEMINI (Abr. 21-Hun. 21) – Ang anumang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang anumang uri ng proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang  kasamahan sa trabaho. May pagbabagong magaganap ngayon na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at garnet red.

CANCER (Hun. 2-Hul. 22) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok upang may madudukot kung kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang tamang pagtitipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ay  1, 6, 19, 37 at garnet red.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Magtataglay ng maliwanag at mabungang kaisipan. Ang pagsasaliksik na dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pasasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8,14, 20 at sky blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with