^

Kutob

Agosto 30, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Alam kong may magagawa ang Maykapal sa anumang pagsubok na nararanasan ko. Siya ang agarang tulong ko sa lahat nang pagkakataon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang makulit at mapagbirong mga kaibigan dahil madali kang mapikon ngayon. Iiral ang kasamaan ng iyong ugali na handang makipag-away sa mangungulit o magbibiro. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng katamlayan sa iyo. Iwasan ang mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaaring makakilala ka ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon sa sosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala na maaaring magkaroon ng pangmatagalang relasyon o hahantong sa pag-iibigan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at shocking pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Habang may buhay ay may pag-asa, ika nga. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makamit ang minimithi. Ang katamaran ay walang ibang patutunguhan kundi ang maging pulubi o sa hikahos sa buhay. Dapat simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang pagmukmok at pag-iisip nang walang ginagawa ay walang buti sa iyong kapakanan. Ang paghahangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at daragdagan ang sipag at tiyaga. Tiyakin na sa matuwid na paraan nanggaling ang araw-araw na kinakain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung itutuloy ang paglakbay malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho ang naghihintay. Isakatuparan ito ngayon. Iwasan ang pamamasyal lamang. Iwasan ang makipag-date at tiyak magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan na mag-init ang ulo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at gulo. Ang bawat taong makakausap mo ay nangangailangan ng paliwanag, kaya hinahon at pasensiya ang pairalin. Maaaring makatagpo ka ng sasalungat sa gusto o mungkahi mo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang iyong desisyong gawin ay may bungang pipitasin. Malakas ang angkin mong ESP kaya anuman ang kutob ay dapat isagawa. Huwag basta magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala. May magandang balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang lumagda sa anumang mahalagang papeles o kontrata. Huwag pilitin ang sarili kung may dudang papasok sa isipan at tiyak kapahamakan ang naghihintay. Ipagpaliban ang anumang binabalak na pagbabago sa pamamahay, opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging masigla ka ngayon dahil sa dulot ng pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan at kagaanan ng damdamin, kung iiwasan ang usaping pera at selos. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red rose.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nanga­ngailangan. Kasiglahan ng damdamin ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang trabaho. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan, dahil malapit ka sa disgrasya sa mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang sinumang magbebenta o manghihingi ng tulong ay dapat suriing mabuti, bago paunlakan dahil madali kang maloko ngayon. Magiging masayahin ka at madaling malapitan ng kahit sino. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Anumang gawain, desisyon ay dapat pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at jade green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang kabutihang nagawa ay malamang ngayon ang gantimpala. Dahil may surpresang matatanggap. Sa ngayon, magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, kapatid o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong tungkol sa pag-aaral o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with