^

Kutob

Agosto 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Bubuhos ang pagpapala sa buong araw. Nakahanda na akong sapuhin ang mga ito.

VIRGO (Agosto23-Setyembre23) – Ang akalang kayhirap gawin ay mapagtatantong hindi sa sandaling masimulan na. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita na magiging masaya ang bawat sandaling gugugulin dito.

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) – Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kalian man makakabuti ang mabuhay sa mundo nang pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) – Pinakamabisang paraan upang mapaglabanan ang takot ay ang pagkakaroon ng positibong isipan, na kahit ano ang mang­yari ay magiging maayos ang resulta ng anumang ginagawa at anumang hamon ang dumating ay makakayang harapin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 34 at lime.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre21) – Isang magandang balita ang matatanggap ngayon na tiyak magpapasaya sa buong maghapon. May pagkakataon na yayain ang isang  kaibigan. Isang Aries ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) – Manatiling mahinahon at kalmado. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi maganda. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Malalampasan mo ito kung magiging consistent ka. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero18) – Pairalin ang utak at hindi ang emosyon. Bagamat oo, pagdating sa pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Maaa­ring sa ibang bagay ay pantay gumagana ito. Dapat alamin kung paano ang dalawang ito ay balanseng magagamit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at golden brown.

PISCES (Pebrero19-Marso20) – Mapagtatanto mo kung gaano nagmukha kang engot nitong mga nakaraang araw, makaraang katakutan ang isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Huwag mahiya sa bagay na ito dahil natural lamang ang nararamdaman. Maaaring ang hindi nakakatakot sa iba ay kabaliktaran naman ang dating sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at silver.

ARIES (Marso21- Abril19) – May kalituhan ka ngayon kaya  dapat isiping mabuti kung ano ang nais gawin. Iwasan ang magpadalus-dalos sa desisyon. Isaisahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang nais. Konsultahin ang mga kaibigan, kasambahay o magulang tungkol sa mga binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 34, 41 at neon green.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – Himala dahil marunong ka ngayon makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang iyong magiging kaibigan. Panahon ngayon nang pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at white.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) – Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda sa iyong araw. Huwag mahiyang magsabi kung may kaunting problema na dinaranas. Matutuwa pa nga ito dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at jade green.

CANCER (Hunyo22-Hulyo22) – Walang sinuman ang maaaring uminsulto sa iyo, iyan ang prinsipyo ng iyong pagkatao. Ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. Tanggapin kung alam ng sarili ang pagkakamali. Paminsan-minsan, ang pride ay magagawang fried chicken. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.

LEO (Hulyo23-Agosto22) – Magandang balita dahil anuman ang gawain ay tiyak na maganda rin ang kalalabasan. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na maging kaibigan ay siya pang magiging kaalitan. Kung ayaw mawalan ng pera sa bulsa, iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow green.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with