^

Kutob

Hulyo 31, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Nakahanda na akong angkinin ang bungkos ng pagpapala sa buong linggo. Purihin ang mabuting Manlilikha ko.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Angkop ang pagpapayaman ng kaalaman at karanasan. Ang mga gintong aral sa buhay ay magagamit ngayon. Madaling malulunasan ang dalang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 23, 32 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May kahirapan pakibagayan ang mahal o kasamahan sa tahanan o sa trabaho. Kailangan nang pang-unawa at mahabang pasensya sa mahal, kasambahay o katrabaho. Mapapaunlad ang ispirituwal na kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 23, 33 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang pa­nahon ay umaayon sa mga binabalak maliban ang isang mahalagang hakbang sa negosyo. Matatagpuan ang sarili sa harap nang alanganing sitwasyon, ito ang dapat mong pag-ingatan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 26, 38 at navy blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May masayang pangyayari na magaganap. Iwasan ang anumang uri nang pakikipagsapalaran. Ang kasama sa gawain ay maaasahan. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 18, 21 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang nagmamadali sa pagpapasya ay malapit sa panganib, ito ang dapat na laging isaisip. Huwag magtiwala sa mga taong makakatagpo o bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 22, 28 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Tuparin ang pangako para mapanatili ang dignidad at tiwala ng iba. Anumang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa sa umaga. Makakabuti ang pagdalaw sa isang nakakatandang kamag-anak. Magi­ging mahalaga  ang makinig sa payo ng mga magulang o nakakatanda. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 24, 40 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magandang kapalaran ang naghihintay sa gagawing pagliliwaliw. Maaaring may payo ang isang kaibigan sa kalagayang pinansiyal. Sa paraang mahinahon, ang problema na kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho o kasambahay ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 22, 29, 32, 35 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Bigyan nang masusing pag-aaral ang mga bagay na gumugulo sa isipan. Kung hindi nakakasiguro sa gagawin, kumunsulta sa nakakaalam. Iwasan na magkaroon nang walang kabuluhang pagtatalo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 32, 45 at indigo.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag kaagad-agad magdesisyon kung may mahalagang bagay na nakataya. Dapat mag-ingat at masusi itong pag-aaralan. Ang proposisyon ng ilang kaibigan ay dapat suriin nang mabuti bago paunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 29, 42 at cannary yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Isang matalik na kaibigan ang maghahatid ng magandang balita. Ang magandang kapalaran ay umaayon sa kalagayang pinansiyal. Ang pagiging maunawain sa harap nang hindi magandang pangyayari ay magbibigay ng respeto sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at malachite green. 

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  May pagkakataon na makakagawa ng bagay na pakikinabangan sa sarili at pamilya. Hindi magiging makatwiran sa paningin nang nakararami ang magwala o lumikha ng eskandalo. Ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 31, 34 wine red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang maging masalita at baka makasugat ka ng damdamin ng iba. Magiging abala sa paggawa sa loob ng tahanan, opisina o pinapasukan. Magkakaroon ng isang ‘di makakalimutang pangyayari dahil sa pagkakabuhul-buhol ng trapiko. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 33 at 43. Purple.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with