^

Kutob

Hulyo 29, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pag-asa ko ay nasa Maykapal lamang. Patnubayan nawa Niya ako sa aking kahinaan.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Mamili ka ngayon gamit ang iyong puso. Matagal na ring panahon na utak ang iyong sinusunod. Ngayon nasa iyo kung saan ka magiging masaya. Hindi lahat ay nakukuha sa pera, dahil ang tunay na kaligayahan ay nasa puso. ‘Yan ay kung totoong mahal na mahal mo siya. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ramdam mo ang kagipitan sa pinansyal. Halos hindi na mapagdugtong ang kinikita sa pangangailangan. Makakabuting maghanap ng sideline para mapunuan ang kakulangan sa sinasahod. Tiyakin lamang na ang kikitain ay nasa malinis na paraan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag padalus-dalos sa desisyon. Pag-isipan nang mabuti ang bawat gagawing hakbang lalo na kung tungkol sa hanap-buhay o negosyo. Huwag maniwala sa kasabihang love at first sight, may karma ka sa taong ‘yan kaya nagkaroon ka kaagad ng attraction. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 23, 32 at neon green.

SCORPPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kumunsulta sa isang feng shui master bago magpatayo ng bahay o maglipat ng bahay, opisina o magbukas ng negosyo. Ang chi o energy ng lugar ay mahalagang bagay na dapat isaalang- alang. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Love is lovelier the second time around. Ito ay darating sa iyong buhay na hindi maiiwasan. Kilalanin siyang mabuti upang hindi na magkamali at masaktan pang muli. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Tandaan ang ikapitong utos. Huwag kang makikiapid. Hindi ito ang tamang solusyon ng paghihiganti sa kataksilan ng minamahal. Bumangon ka sa iyong kinadapaan. Matutong magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 40 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Dahil may lahi kayong pikutin, mag-ingat sa tukso lalo na sa taong lapit nang lapit at nagpapahiwatig ng saloobin. Hindi siya ang tamang tao para sayo. Puso at isip ang gamitin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at dirty white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mag-impok habang malakas ang kita. Dahil hindi permanente na ganito ang kalagayan mo. Iwasan ang pagiging bulagsak at ang pagbili ng ‘di gaanong kailangang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kalimitan, nagiging lason sa pagsasama ang labis na pride. Ngayon ang pagkakataon na dapat kausapin ang partner at matutong sabihin na nagkamali ka. Maibabalik nito ang nawalang tiwala sa iyo at mabubuong muli ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Gumising ka nang may sigla. Nagbabadya ang isang magandang araw sa buong maghapon. Umusal muna ng taimtim na dasal nang pasasalamat para pumasok ang mga magagandang bagay at positibong enerhiya sa maghapon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 19, 22 at yellow.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Muli siyang makakalimot sa kanyang pangako. Suriing mabuti ang iyong damdamin tungkol sa kanya. Ang anumang kahirapan ay maaaring malampasan kung magkasama ang puso at isip sa pagpapasya at sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na tapos na ang sisihan. Makakabuti kung simulan ang pagbabago sa sarili. Ang nagdaan ay isang mahalagang leksiyon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at cream white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with