^

Kutob

Hulyo 15, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maghahatid nang masagang buhay ang mga kamay ko, ayon sa grasya ng Manlilikha ko.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – May pagkakataon na magiging mapaghanap ka sa minamahal. Mahalaga ang panahon sa negosyo o sa gawain kaya huwag sayangin. Maganda ang layunin ng kaibigan ngunit wala sa tamang panahon upang paunlakan. Tiyakin muna sa sarili na kayang tuparin bago mangako. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 31, 40 at yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maaaring may magandang balitang matatanggap. Magiging masaya ang pakikisama o pagsasama-sama ninyong magkakaibigan. Mabibigyan ng kasiyahan ang mga magulang o minamahal dahil nasa mood ng pagbibiro o pagpapatawa. May pagkakataon na makakapagbigay ng magandang payo sa isang kaibigan o kamag anak tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 22, 25 at cadet blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mahalaga ang makatiyak sa gagawin upang maging positibo ang resulta. Matatapos ang mga gawaing naka-atang kung iiwasan ang tsismisan. Anuman ang maririnig na masakit sa tainga, dapat palampasin nang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 34 at magenta.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Magiging abala sa pinapasukan o sa tahanan. Paandarin ang utak at hindi ang emosyon. Maging tapat sa pakikitungo sa ibang tao o sa mga magulang. Mahalaga ang relasyon ng pamilya at kailangan ang pagkakaintindihan at pagkakaisa ng bawat kasapi. Mahalaga ang makipag-ugnayan sa komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 24, 40 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kung ano ang lalakarin ngayon, ipagpaliban muna dahil walang mangyayari. Ang dating hinanakit sa kasambahay, kaibigan o kasamahan ay mapapawi, makakapagsimulang muli. Magiging normal ang takbo ng mga gawain, gayundin sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 26 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Maaaring may pagkakataon na mamagitan sa dalawang kasamahan na nag-aaway. Ang iyong payo ay magiging epektibo at mahalaga sa suliranin ng kaibigan o kamag-anak. Nakasalalay sa iyo ang kalutasan ng sariling suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 42 at gold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May pagkakataon na mailagay ang pagsisikap sa tahanan o pinapasukang trabaho. Isang hindi inaasahang pangyayari ang makakapagpabago sa binabalak gawin. Iwasan ang marangyang paggugol at manapa’y sundin ang naaayon sa budget. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 18, 29 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Makakabuti ang pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak. Ang lakas ng ESP ang makakalutas sa suliraning taglay. Kung may madaliang gawain, makakabuti ang mag-relax muna sandali bago balikan upang maiwasan ang magkamali. Huwag pilitin ang sarili na sundin ang utos ng iba kung labag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 25, 27 at ruby red.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang labis na pagpupuyat ay siyang pipinsala sa kalusugan na dapat iwasan. Suriin at pag-aralan nang mabuti ang transaksyon bago pumalaot at nang maiwasan ang pagsisisi. Ang magandang kapalaran sa pananalapi ay nasa tamang landas kung magsisimula ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 10, 21 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Patunayan ang kakayahan. Magiging sentro ka ng usap-usapan ng mga kaibigan o kasamahan na dapat huwag ikapikon. Makakatulong ang payo ng iba sa ikakabuti ng sariling kapakanan. Sundin ang kutob at nang hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 27, 39 at lavender.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-ingat sa pagpapahayag ng kinikimkim na damdamin upang walang maghinanakit o masak­tan. Pag-aralang mabuti ang magiging epekto ng mga salitang bibitiwan. Maging mapagpakumbaba sa pagharap sa kausap. Maisasaayos ang dating hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Kailangang sundin ang payo ng doktor. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 19 at baby pink.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Malaking pakikibagay ang kakailanganin sa mga taong makitid ang isip, na malamang makakasagupa ngayon. Sikapin na maging magiliw sa mga taong makakatagpo at makakausap dahil iiral ang iyong kasungitan. Suliranin sa pag-ibig, relasyon o pinansyal ang dahilan kung bakit madaling magalit o mag-init ang ulo. Ang anumang personal na problema ay huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 25, 30 at blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with