^

Kutob

Hulyo 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagpapasalamat ko ang bawat kahinaan ko, dahil sa pamamagitan nito ay nararanasan ko ang kalakasan ng Manlilikha ko.


CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang tahanan ay mapagtutuunan ng buong pansin. Magiging mainit ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Linis dito, linis doon at kasabay ang mga maaanghang na salita. Hinahon ang dapat pairalin para walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa pakiwari, makitid ang kapaligiran gayundin ang pag-iisip. Magiging pikon at madaling magalit. Ang mag-relax, magpahinga o mamasyal ay makakatulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky  numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.  

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw. Bago lumagda ng anumang kasulatan o dokumento, pag-aralan muna. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at jade green. 

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag malito sa anumang payong matatanggap at pag-aralang mabuti ang nararapat gawin bago magdesisyon. Malamang isang kaibigan ang hihiram ng pera subalit dapat tanggihan dahil tiyak matatagalan bago ka mabayaran. Isang masugid na tagahanga o mangingibig ang magiging mapusok. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 20, 26 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magiging masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka o gawain. Madaling lapitan at kung tiyak na maganda ang pakay, magbigay. Masayahin at halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipinapakita. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang mga hinanakit na pang-personal o sa trabaho ng nakaraan ay mapapawi ngayon. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –  Malamang may mag-aalok ng trabaho subalit dapat pag-isipan nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng mahalagang pagpapasya kaya pag-aralan o ikunsulta sa higit na nakakaalam bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –  Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan lamang makikilala. Naaayon ang panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa gawa. Ang pagmamahal ay hindi nakikita sa salita, subalit mapapatunayan sa gawa. Magiging maligaya ang buhay pag-ibig. Lucky  numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malakas ang tiwala sa sarili at magging positibo sa mga gawain. Sa mga desisyon, gamitin ang praktikal na pamamaraan nang makita ang tagumpay. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahirap maipaliwanag ang panig. Iwasan ang makipagsisihan dahil maaaring magbunga ng samaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 14, 31 at rose pink.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon dahil ang kapareha ay magiging selosa at bibigyan ng ibang kahulugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 19, 29 at green.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balita na matatanggap. Kung binata o dalaga, ang pagliliwaliw ay magiging masaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 29, 35 at ocean blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with