^

Kutob

Hunyo 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang karunungan at kalakasan ko ay biyayang kaloob ng Maykapal. Walang makakapigil sa paglago nito, ayon sa Kadakilaan Niya.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Suriing mabuti ang mga transaksyon bago pumalaot. May diin ang magandang kapalaran sa pananalapi o negosyo. Ang labis na pagpupuyat ay makakapinsala sa katawan na dapat iwasan. Alagaan sa wastong paraan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 09, 04, 21 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Nasa iyo ang madaling ikalulutas ng sariling suliranin. May kabigatan na pasanin ang relasyon. Magiging busy ka ngayon sa trabaho na nakaatang sa balikat. Iwasan ang magbakasakali dahil tiyak kabiguan ang makakamit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 46 at gold yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mabuti at maganda ang layunin ng kaibigan, ngunit wala sa tamang panahon na paunlakan ang sinumang mag-aanyaya. Iwasan ang maging mapaghanap sa minamahal, kasambahay at kasamahan. Magiging masaya sa piling ng pamilya, maunlad ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 31, 45 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Pag-aralan nang mabuti ang magiging epekto ng salitang b­initiwan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng damdamin at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Kailangan sundin ang payo ng doktor, huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 19 at baby pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang iyong ESP ay makakalutas sa taglay na problema. Walang magiging sagabal sa mga gawain o trabaho. Pabor ang mga gawaing mental kaysa sa pisikal. Umaayon ang panahon sa pagpaplano kung anong dapat gawin para mabayaran ang pagkakautang. Lucky numbers atcolor for the day ay 6, 13, 25, 27 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag mangako kung hindi tutuparin. Mag-ingat sa tungkulin na nakapatong sa balikat, dahil ikaw ay minamataan. Ang iyong pangako ang magiging batayan sa ikakaligaya ng relasyon, huwag basta magtiwala at ipagkaloob ang sariling tungkulin sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 24, 40 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang makipag-date ay inaayunan ng panahon. Huwag mabahala dahil ang mga pangyayari ay nasa iyong panig. Magiging emosyonal sa konting suliranin na lilitaw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 25, 30 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag magmamadali sa hinahangad. Kumilos kaagad kung may magandang pagkakataon. Hanapin ang tamang paraan sa paghupa ng tensiyon sa tungkulin. Pag-isipang mabuti ang payo bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 01, 03, 33, 34 at magenta.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang dating hinanakit o tampuhan ay mapapawi. Tatakbo nang maginhawa ang mga bagay na nasimulan. Maging alerto sa humahangad sa iyong pwesto. Kung ano man ang nilalakad, ipagpaliban muna dahil palpak ito kung itutuloy. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 26 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang susi ay alamin muna ang mga bagay tungkol sa napupusuan, bago magpahayag ng saloobin. Medyo makakaligtaan ang komunikasyon. Huwag maghangad ng labis. Maging labis na matulungin sa trabaho o sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 18, 29 at tangerine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang mapikon o magalit sa mga biro o kantiyawan. Makakatulong ang payo sa sariling kapakanan. Sundin ang kutob. Maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Matutuklasan ang mga dahilan ng kapalpakan. Magiging sentro ka ng atraksyon ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 13, 27 at lavender. 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging masaya ang pakikisama sa mga kaibigan. Mabibigyan ng kasiyahan ang mga magulang, kaibigan o mga kamag-anak. Magandang balita ang matatanggap mula sa telephone o sa anumang uri ng komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ay 03, 08, 22, 25 at blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with