^

Kutob

Hunyo 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bumubuhos ang pagpapala sa buhay ko!

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang magalit. May maganda at kapangitang lilitaw sa iyong pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa bandang huli ay magwawagi ang mabuti kung hinahon ang paiiralin. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag patulan ang anumang mga salitang masasakit sapagkat inggit ang nagtulak dito at makakaiwas din sa gulo. Palampasin ang naririnig na salitang makakapikon o makakaasar. Tawanan ang suliranin at tiyak babawi ang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Iwasan ang mga kaibi­gang tsismosa para hindi matakpan nang madilim na ulap ang araw dahil tiyak na ikaw ay magagalit. Iwasan din ang makasakit ng damdamin at ang paanyaya ng barkada. Sasalubungin ng matamis na ngiti ang umaga. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 19, 22 at yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Iwasan pansamantala ang mga kilalang Aries dahil kapag may gulong naganap, ito ay magiging pangmatagalan. Isang Gemini ang magbibigay ng suwerte subalit isang Sagittarius naman ang magbibigay sa iyo ng sakit ng damdamin o problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 29, 31 at red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maging handa kung anuman ang darating at kung inaakalang ika­u­unlad, sunggaban at huwag bigyan nang pagkaka­taong makakawala. Ang suwerte ay minsan lamang kumatok sa pinto, kaya huwag itong paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Makaka­tampuhan ang isang Sagittarian. Isang Capricorn o Cancer naman ang magpapasaya sa iyong araw. Kung ang kasama ay isang Piscean, magiging matamlay at malulungkutin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Posibleng manumbalik ang harmoniya kung hinahon ang paiiralin at maayos na paliwanagan. Nang dahil sa kapabayaan, ang matagal nang suliranin ng pamilya ay mauungkat at pagsisimulan nang sumbatan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32 at neon green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Araw ng pangako at magiging magaan ang lahat ng bagay. Iwasan ang paglalakbay, paglalasing at pagsusugal o pakikipag-date. Magiging magaan ang trabaho at pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 40 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Napapanahon para maibsan ang kasalanang nagawa sa pamama­gitan nang pagsisisi at buong pusong pananalangin. Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan din ang babalik. Ang pagsisimba ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 31, 39, 42 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang anumang tran­saksyong gagawin ay dapat pag-aralang mabuti­ bago pumalaot. Hindi inaayunan ang paglagda ng anumang mahalagang papeles o kontrata. Kung may tipanan, huwag mainip sa paghihintay dahil ang kausap ay darating naman, huli nga lamang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at dollar green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Tiyak na kasaganahan ang mararanasan kung walang may sakit sa pamilya. Isugod kaagad sa pagamutan kung may kaanak na may sakit. May pagkakataong magkasalu-salo sa hapagka­inan ang buong pamilya sa loob o labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May pagkamagulo ang isip kaya’t pag-aralang mabuti ang mga papeles bago ito lagdaan. Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa upang maiwasan ang makasakit ng kapwa at magkamali. May mangungutang na hindi dapat pagbigyan dahil matagal bago ka niya mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 29 at cream.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with