^

Kutob

Mayo 19, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: May agarang tulong na kaloob ang Maykapal, ano pa ang ipag-aalala ko? Walang anuman, sapagkat nasa Kanya ang pagtitiwala ko.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang solusyon. Alalahanin na laging naka­suporta ang mahal kaya walang dapat ipangamba. Lucky numbers at color for the day ay 06, 25, 38, 42 at Fuchsia.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Makinig sa katuwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 02, 04, 33, 41at Brown.

CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) – Huwag asahan na sasagutin ka ng iyong nililigawan dahil marami kang ka­agaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Lucky numbers at color for the day ay 08, 13, 25, 36 at Beige.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag palawakin ang ali­tan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa matagalang walang imikan. Kailangan pamin­san-minsan, ikaw ang magbaba ng pride. Lucky numbers at color for the day ay 08, 26, 36, 42 at Ocean blue.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal dahil sa gina­­wang tulong. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at Violet.

LIBRA (Setyembre 24 - Ok­tubre 23) – Ang gawaing­ pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmala­bis sa gawaing mental dahil kalusugan ang mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 08, 10, 16, 33 at Indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maganda ang personalidad ngayon na naaakit sa mga kaibigan, lalo sa mga humahanga. Sa pag-ibig, ang may inisyal na A o D ay may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ay 07, 20, 37, 39 at Orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 39 at Green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maging­ mahinahon at magpasensya  kung may hindi pagka­kauna­waan, na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkakaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 05, 19, 22, 41 at Yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Nasa magandang pag-uusap na maresulba ang problema. Ang panla­lamig ng kabiyak o minamahal ay sariling kasalanan. Hanapan ng paraan upang maibalik ang da­ting tamis at init ng pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ay 01, 09, 29, 40 at Lavender.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte o katanyagan, dahil ba­bawiin kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 06,15, 26, 41 at Pink.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kaya’t  walang magiging problema. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at Magenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with