^

Kutob

Mayo 14, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kaligayahan, kapanatagan, magandang kalusugan ang kaloob ng mabuting Manlilikha para sa lahat ng ina sa mundo. Happy Mother’s Day!

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan lalo na ang tuhod. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at Lavender.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigan may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at Pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at Strawberry red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang palaging mainit ang ulo. Magiging lubos ang kaligyahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos para may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for day ay 7, 18, 29, 37 at White.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at Yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay maging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap, kaya hindi maiwasan na makapagbigay ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at Tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haraping pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay nasa landas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at Orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin, na dapat paglabanan. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan para manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at Orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, anumang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at Avocado green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan o sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at Brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi magiging abala subalit maraming mahahalagang gawain na matatapos dahil sa angkin ang enerhiya ng sigla. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Dara­ting ang hinihintay. Hindi maiiwasan na may magselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at Jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkalinawagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at Royal blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with