^

Bansa

Pintor niratrat, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang house painter makara­ang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Brgy. Payatas, Quezon City kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni PO3 Je­rome Dollente, ang biktima na si Jose Galdonez y De Jesus, 21, binata ng no. 225 Bansalangin St., Brgy. Payatas B, QC.

Ayon kay Dollente,  patuloy pa nilang inaalam ang posibleng taong pumaslang sa biktima na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Nangyari ang ins­i­dente sa  sa harap ng isang bahay malapit sa bahay ng biktima, dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Kuwento ng isang residente na si Melva Cruz, kasalukuyan siyang natutulog nang magising dahil sa mga putok ng baril na nagmula sa kanilang labas.

Nang kanyang tignan ang labas para alamin ang dahilan ay saka na­kita ang duguang katawan ng biktima sa lugar.

Agad siyang humingi ng tulong sa kaibigang si Christian Camacho at itinakbo ang biktima sa Far Eastern University  hospital para magamot pero kalaunan ay idineklara rin itong patay dakong alas-3:04 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa crime scene narekober ang 10 basyo ng bala mula sa kalibre 45 baril.

vuukle comment

JE­ROME DOLLENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with