^

Kutob

Pebrero 8, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Wala kang control sa kaganapan sa iyong paligid, pero tiyak na ikaw lang ang makakontrol ng iyong emotional  reaction. Dito ikaw ang master ng iyong tadhana, kontrolin ang isip.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Patuloy ang mga ginagawa para sa madla. Ang katuparan ng pangako ay hinahagilap pa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 55, 16, 29 at blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming opportunities ang aakitin para sa expression ng iyong talent. Kasabay nito ang mga naiinggit sa’yo. Kapag binalewala ang mga ito, tiyak tagumpay ang mapapasaiyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 49, 53 at cherry red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa iyong paglalakbay makikilala ang isang taong magbibigay ng kiliti sa puso. Siya ang iyong lifepartner. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 8, 6 at orange.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mga nasa isip, salita at gawa ang hadlang sa tagumpay ng iyong pagnanasa. Palitan ito ng positibo pag-ibig para masaganang buhay ay maranasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 27, 6, 46 at neon green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Aasa sa iyo ang lahat ng kamag-anak ng karelasyon. Buong buhay  mo, lahat ng kita mo sa kanila mapupunta. Magtira para sa sariling kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 29, 39 at violet.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang recruitment ay magandang negosyo para sa iyo. Ito ang magbibigay ng pagkakataon para maging milyonaryo. Lucky numbers at color for the day ay 27, 39, 44, 55 at peach.

LEO (Hulyo. 23-Agosto 22) – Lalagda ng kontrata at magtatagumpay ka sa negosyo. Mag-ingat sa mga pasaway. Lucky numbers at color for the day ay 2, 49, 51, 44 at silver.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mag-aura cleansing para maalis ang sumpa sa pag-ibig, na paulit-ulit na naranasan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 4, 11 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Isang lihim ang matutuklasan. Habang buhay mong pakikinabangan  ang oracion meditation, paniningningin nito ang aura mo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 41, 56 at scarlet red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kahit anong uri ng paninira, ang naninira ay masisira. Suporta ng kalahi at ikaw ay wagi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 26, 46 at lilac.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Sabay ang parangal at dagdag sa iyong sahod. Maraming dagdag  na blessing ang maranasan hangga’t hindi pa nagre-retire. Lucky numbers at color for the day ay 11, 7, 29, 39 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging mabenta na ang iyong inventions sa pagre-recycle ng basura. Lucky numbers at color for the day ay 13, 6, 45, 35 at beige.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with