^

Kutob

Nobyembre 28, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Hindi nagkukulang at hindi nagpapabaya ang Diyos sa bawat pangangailangan ko.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kabaligtaran ng inaasahan ang mangyayari. Huwag umasa nang hindi madismaya. Sikapin na sa abot ng makakaya, makakagawa ng makabuluhang bagay kaysa umasa sa pangako. Sariling sikap ka ngayon, huwag isandal sa iba ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 38, 39 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak “very good” ka sa kanya. Pero magsisimula ang panay reklamo at kung hindi mapagbibigyan, maraming paninira ang aabutin. Ang magandang gawin, wala kang dapat pag-unlakan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 23, 38 at green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan. Pero maiiwasan ang pag-gastos ng sobra sa budget. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Huwag pilitin na lumipad na kulang ang pakpak dahi tiyak babagsak. May panahon pa para mag-ipon nang sa gayon, kahit papaano ay may mapagsasaluhan ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 24, 35 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama at huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho para walang mapuna ang iba. Ilagay sa tamang oras ang pakikipaghuntahan. Hindi maiiwasan ang makipag-tsismisan. Pero piliin ang paksa na may kabuluhan at hindi paninira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 21, 25 at bright yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakairita ang bagay na sasalubong at kung papatulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Huminga ng malalim at mag-relax muna bago pag-aralang mabuti ang mga bagay bago simulan ang dapat gawin. Huwag magpadalus-dalos para walang damdaming masasaktan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 35, 37 at violet.  

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. “Relax, idaan sa lambing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad ang aura ng karisma. Hindi ka mapaghihindian sa pakay kung may kasamang ngiti at lambing sa pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 27, 36 at pink.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Ang inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakalang magkakamali ka, huwag ituloy. Kung inaakalang matatanggap sa trabaho, lakarin. Dahil positibo ang resulta kung tugma ang nalalaman, kurso o experience sa kailangan. Kung inaakalang mababayaran ng may utang, singilin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 34, 41 at indigo.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Nasa pagitan ka ng dalawang daan at malilito kung ano ang dapat gawin. Dahil pareho kang kailangan ng pamilya at ng iyong trabaho. Sa ganitong situwasyon, walang mas magandang pagbasihan ng desisyon kundi ang praktikal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hanggang kailan ka sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon dahil daranasin mo ang kahirapan sa darating na panahon. Masarap mabuhay kung pinatuluan ng sariling pawis ang tatamasahing kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 26, 36 at red.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Wala kang makukuha sa pagsasama sa mga taong may masamang bisyo, lalo na sa mas mababa kaysa iyo. Kung nais umunlad, samahan ang taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputasyon sa lipunan. Sayang ang iyong pagkatao kung hindi mo gagamitin ng matino ang isipan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuchsia.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Katungkulan sa pamilya, trabaho at dagdagan na gastusin ang problema mo. Kung tutuusin, masuwerte ka pa rin kaysa iba na sira na ang utak at palabuy-laboy na lamang ngunit nagsisikap pa rin mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa, dagdagan lamang ng tiyaga at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 22, 23 at scarlet.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang papasok sa isip. Himay-himayin ang bawat detalye at pangyayari sa nakaraan para matuklasan kung tama o mali ang napiling ibigin. Walang masama kung tutuklasin muna ang kanyang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 39, 43 at yellow.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAHIL

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with