^

Kutob

Nobyembre 6, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung respeto ang hangad, respeto rin ang ipakita sa iyong kapwa. Ang pag-aangat sa sarili ay katumbas ng pagbagsak na hindi mo matatanggap.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali para maituwid kaagad ng hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 40, 43 at neon green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang kamag-anakan ng magkabilang panig. Magdalawang-isip ka kung may tutol sa iyong pakikipagrelasyon dahil kung magkakatuluyan, ang hangad na grasya sa pagsasama ay magiging disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 33, 37 at sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang madalas mong reklamo ay magbibigay ng demirito sa tungkulin. Kung may reklamo tungkol sa trabaho, direktang sabihin sa nakakataas o idaan sa sulat para maging legal ang basehan. Tiyakin na may matibay na dahilan kung bakit nagrereklamo para hindi makapalag ang inirereklamo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 30, 40 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon para sa ikakaunlad o ikakabuti ng negosyo, pinansiyal o personal na aspeto ng buhay. Magpasalamat dahil may kaibigan, magulang o kasamahan na nagmamalasakit. Huwag bigyan ng masamang kahulugan ang masasabi sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 34, 39 at green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may itinatago, iwasang makuwento sa iba dahil tiyak hindi mapipigilan na maraming makakaalam dahil ang mapagsusumbungan ang siyang magkakalat nito. Magiging mapaghinala ang minamahal kaya mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba hangga’t maaari, iwasan ang makipag-usap sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 32, 33 at red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang maganda, itikom ang bibig. Huwag magtsismis para hindi mabaon sa utang. Isipin at isaloob na ang nakita o narinig ay isang magandang aral na hindi mo gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 18, 43 at orange.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may negosyo, magsisimula ang pag-unlad. Kung “buy and sell” ang kalakal, magkakaroon ng “potential prospect” o malamang makakapagbenta o makakabili ng murang bagay na malaki ang tutubuin. Kabaligtaran naman ang tungkol sa pag-ibig, kaya maging mahinahon at maunawain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 34, 36 at indigo.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag ibigay o tikman ang pinakabawal dahil pagsisisihan. Sa mga may pananagutan sa buhay, malamang matutuklasan ang ginawa. lucky numbers at color for the day ay 18, 20, 39, 41 at brown.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Masakit man ang mga katagang iyong maririnig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang magandang leksyon ang nagawa at hindi na dapat maulit kailan man. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 30, 34 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang daliri ng kamay, kailan man ay hindi pantay kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 32, 39 at jade green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung may pangako, huwag kalimutang tawagan at humingi ng dispensa sa bata man o matanda para hindi masira ang pagkatao dahil may dahilan na hindi matutupad. Pangalagaan ang reputasyon dahil ito ang tanging yaman na higit pa sa toneladang ginto. Lucky numbers at color for the day ay 9, 20, 38, 40 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung may katungkulan at alam na may pagkakamali sa nasasakupan, huwag matakot kumprontahin o bigyan ng leksyon para maging tapat sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 41, 42 at aqua blue.

 

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with