^

Kutob

Oktubre 4, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang katuparan sa hinahangad ay makakamit, manalig ka lang sa Maykapal.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging masuwerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung isang freelancer. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Iwasan ang hindi inaasahang pa­nauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o maibigay. Lucky numbers  at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan ang disiplina dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kahit masakit sa kalooban, mapaglalabanan ng sarili ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil iiral ang pagkabangis ng turo sa bagay na hindi magugustuhan. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at fuchsia.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ito ng buong tatag at pananagutan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Ang gawain na hindi nagawa o napansin noon ay matatapos ngayon. Magiging malakas ang magneto ng paki­pagsapalaran subalit ang masu­sing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at green.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) –Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at violet.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

DISYEMBRE

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with