^

Kutob

Agosto 29, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maaasahan ang Diyos nang higit pa sa inaakala mo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Anuman ang gagawin, tiyakin na ligtas ang sarili at walang iba ang masasaktan. Kulang ka sa pakikisalamuha sa kapwa. Dapat simulan para hindi ka layuan ng mga kasamahan. Posibleng may magdamdam sa miyembro ng pamilya dahil hindi mo na napagtuunan ng atensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 25, 41 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag patulan ang mangangako na kikita ka ng malaki sa kanyang offer, dahil peke ito at gusto lang manloko. Sa iyong kabaitan, mahusay na pakikitungo sa kapwa at pagkamatulungin, magkakaroon ng taga-hanga. Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong nilalandas. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 34, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kahit masakit sa kalooban, panindigan mo ang ginawang desisyon. Malapit ka ngayon sa mga taong mapusok at negatibo ang isip. Kung mapapansin, huwag bigyan ng pagkakataon at layuan kaagad. Bigyang halaga ang maging mapagmasid, maging alerto. Lucky numbers at  color for the day ay 3, 9, 19, 44 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi matutumbasan ng salapi ang kalusugan. Tamang exer­cise at diet ang iyong kailangan na dapat paglaanan ng panahon. Alalahanin na tanging magandang kalusugan ang pangunahing puhunan sa hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 31, 41 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may lakad o lalakarin, gawin bago sumikat ang araw para magtagumpay. Wala kang maaasahang tulong kanino man, kaya sariling sikap ka ngayon. Mag-aaksaya ka lamang ng panahon kung tulong ang iyong pakay sa lakad. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 27, 40 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may problema, ituring na isang magandang pagkakataon na may matutuhang leksiyon na hindi na mauulit. Huwag magtaka kung may maririnig ka tungkol sa iyong ugali, dahil siyang totoo. Kung sa akala ay may dapat baguhin sa ugali, gawin kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 23, 33 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Kung inaakala na tama ka sa iyong gagawin, huwag nang mag-atubili. Gawin kaagad dahil magtatagumpay ka. Kung may duda, huwag ituloy dahil palpak ang kalalabasan. Gamitin mo ang iyong ESP dahil malaking tulong ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 23, 39 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang proyekto o gawain ang hahamon sa talino at galing. Ang taglay na imahinasyon ay mahahasa dahil mapipilitan kang gamitin ito. Maghahagilap ka ng mahalagang mga detalye tugkol sa iyong gawain. May pagbabago kang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 27, 36 at navy blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Masaya ka ngayon ngunit isang malapit sa kalooban ang makadarama ng pagseselos. Iwasan ang taong nag-aalok ng tulong pinansiyal dahil mabigat ang hihinging kapalit balang araw. Ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon ay magbubukas ng pinto sa malaking oportunidad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 28, 38 at peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Pag-alala tungkol sa kalusugan ang mamamayani ngayon. Lulubha ang karamdaman kung hindi iiwasan ang malalim na pag-iisip. Magpahinga kung kinakaila­ngan. Tiyakin na sinusunod ang payo ng doctor. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 19, 27, 36, 43 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Gagalangin ka ng kahit bata kung marunong kang gumalang ng tama sa kanila. May magagawa kang bagay na ikakasaya ng sarili ngunit ikakainis ng iba o may magawang bagay ang iba na ikakainis mo. May pagkakataon na tataas ang iyong boses dahil sa galit, kaya pagtitimpi ang kailangang pairalin para walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 40 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang paghahanap ng tahimik na lugar para makapag-isip ay indikasyon na may suliranin o may matinding tensiyon. Huwag mag-alala dahil ang problema ay may katumbas na solusyon kung pagsisikapan. Huwag mabahala dahil magiging maayos ang takbo ng lahat sa susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 39, 42 at fuchsia.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with