^

Kutob

Agosto 23, 2015

TAROT GABAY - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang buong pag-asa ko ay nasa Dios.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May gan­timpala na naghihintay sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin kung mapaglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hi­hingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis ng kapaligiran ay magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may mag-aanyaya. May pagkakataon na makatagpo ang soul-mate o twin-flame. Kung isang Libra o Virgo ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magi­ging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Saan ka man naroroon, anuman ang iyong gagawin, alalahanin palagi ang sariling kaligtasan. Mag-ingat sa pagmamaneho ng sasakyan. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kahit anong bagay, kung labis ay magreresulta ng hindi maganda. Ang iyong labis na pagmamahal ay magiging daan sa pag-abuso ng iyong pagkatao. Pag-aralan kung anong paraan ang dapat para maipakita ang tunay na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa paggawa ng mag-isa o sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa o gagawin para maiwasan ang magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang makipag-isa sa tahanan, maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan. Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin, tiisin dahil kapos ka ngayon. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran, subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Ang panahon ng pagre-relax ay bagay para makapag-isip ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with